Sophie
"I love you, Sophie."
Pang-ilang beses na niyang sinabi sa akin iyan. Hindi ko na nga mabilang eh. Pero siyempre, masaya naman ako kapag sinasabihan niya akong mahal niya ako.
Narito na kami sa hotel room namin at nakahiga na kami dahil sa matutulog na dapat. Na enjoy naming pareho ang maghapong pamamasyal at ang pagligo sa dagat. Kanina lang yung nangyaring pagsagot ko kay Henley at nanatili kami sa dagat hanggang mag sunset na.
Halos ayaw na niya akong bitawan kanina sa pagyakap niya sa akin kanina pa. Pero minsan naman sinusuway ko na. Naiintindihan ko naman siya, masaya siya at ganun din ako, masayang masaya.
"Pang ilang beses mo na yang sinabi?" Tanong kong naka ngiti sa kanya.
"Uhm? More than twenty? I don't know, what matters most is yung nasasabi ko sayong mahal kita. Mahal na mahal." Kikiligin na naman ba ako?
Hindi yata ako masasanay sa ganito, yung lagi na siyang sweet. Although ganun na siya noon pang nanliligaw.
"Oo na. Matulog na tayo at maaga tayong mag check out bukas para maaga rin ang biyahe natin papuntang Baguio."
Yup, may Baguio pa kaming papasyalan.
"Kiss ko?" Naka ready na ang nguso nitong naka harap sa akin. Natatawa naman akong tinapat ang palad ko para yun ang mahalikan niya. "Babe naman."
"Bakit? Nagrereklamo ka?" Tapang tapangan kong tanong.
"Wala. Under yata ako nito." Bulong niya sa huling salita.
"Ano? May sinasabi ka eh."
"Wala Babe. Sige na, matulog na nga tayo." Umayos siya ng higa. Naka tihaya lang.
Alam kong nagtatampo ito, binibiro lang naman kasi eh. Ang sarap lang din kasing gumanti sa pang-aasar niya sa akin minsan. Parang bata.
Umayos ako ng higa at humarap sa kanya. Pinatong ko ang ulo ko sa kamay ko para umangat at makita kong nakasimangot siya. Ang sarap asarin!
"Bakit? Akala ko ba matutulog na?" Tanong niya habang naka kunot ang noo.
"Oo, matutulog na nga. Bawal ka bang titigan?" Naka ngiti kong tanong. Kumunot naman ang noo nito.
"Hindi ka matutulog? At titigan lang ako?"
"Pwede."
"Hindi ka naman patay na patay sa akin niyan Babe ah?" Ngayon may sumisilay na ngisi naman sa kanyang labi.
"Ako? Baka ikaw. Sobrang inlove na sa akin."
"Siyempre naman! Proud akong sabihin na sobrang inlove ako sa nag-iisang Sophie Rilly Villaruz." Naka ngiti niyang sabi.
Kinurot ko na lang ang kanyang ilong para itago na naman ang saya at kilig na nararamdaman ko. Walang mintis talaga ang isang 'to!
"Ouch naman, Babe. Masakit iyon." Namula agad ang ilong niya.
"Tulog na nga tayo." Umayos na ako ng higa at pina-unan na niya sa akin ang isang braso nito.
"Sige, goodnight my Sophie Babe. I love you." Bulong niya sa akin at hinalikan na ako sa noo. Ang sweet talaga nito.
"Goodnight, Mahal din kita." Sagot ko naman at humalik na ako sa labi nito. Alam kong iyon naman talaga ang hinihintay niya kanina pa eh.
Natulog kaming parehas na may ngiti sa mga labi.
Kinabukasan, maaga kaming nag check out, mga seven a.m na para maaga din ang biyahe namin papuntang Baguio. Pero bago iyon, nag-agahan naman kami sa restaurant ng hotel at pagkatapos ay bumyahe na kami.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.