Sophie
"Papayagan mo na akong manligaw sayo? At tsaka nagseselos kaba Babe?"
Yan ang mga binitawang salita ni Henley sa akin.
Sinundan ko lang naman siya dito sa kusina para komprontahin. Kasi may ligaw-ligaw pang alam pero may nilalandi na palang iba, worst nasa bahay pa nila.
"Anong nagseselos pinagsasabi mo? Kanino? Sa kasama mong babae ba doon? Hindi ano! Mas maganda ako roon at tsaka bakit naman ako magseselos? Ano ba kita?" Pagtataray ko sa kanya.
Hindi ito agad naka pagsalita at may nakita akong dumaang sakit sa kanyang mga mata. Pero hindi ko na ito pinansin pa. Totoo naman eh walang kami kaya bakit naman ako magseselos di ba?
"Hindi ka ba talaga nagseselos?" Ulit pa niya.
"Why would I?"
"Okay." Binitawan naman niya ako. "Diyan kana, babalikan ko pa si Laura nagugutom na siya."
Lalabas na sana siya sa kusina ng masalita ako. Eh teka bakit ba parang pinipigilan ko siyang lumabas. Bahala na!
"Nagpa-alam at nagpatulong kapa sa Mommy ko sa panliligaw tapos may iba kang nilalandi! Ano ba! Pinagloloko mo ba ako?" Nakakainis na talaga kasi.
"So papayagan mo na akong manligaw sayo?" May kasama pang taas at baba ng dalawa niyang kilay. And that question got me.
Bakit naman kasi ganoon ang sinabi ko? Yan tuloy kung ano na naman pumasok sa isip niya.
"Bahala ka diyan!" Ako na ang nang-iwan sa kanya at namumula ang mukha ko sa inis, at hiya.
Bakit ba ako naiinis na may kasama kasi siyang babae but in the first place wala namang kami. She asked me, she will court but I rejected her. Tapos nagpatulong kay Mommy. Pero wala pa rin akong desisyon.
She has the right to do all the things she wanted. Even dating other girls, wala akong paki doon kasi walang panliligaw na ganap.
"Ate what's wrong? Pulang-pula ka?" Hera asked.
Nakakahiya talaga, napansin pa nila.
"Nothing, medyo nainitan lang ako kaya namumula. Sa garden na lang tayo?"
Ayoko na kasi dito sa loob, ang sakit sa mata na makakita ng mga taong naglalandian. Especially sa dalawang tao sa harap namin na walang tigil sa paglalampungan. Nakakainis!
Sa garden na nga namin tinuloy ang usapan naming tatlo pero nakikita ko pa rin kung ano ang pinag-gagawa ng dalawa sa loob. Naroon yung naka upo sa lap ni Henley si Laura. Tapos magtatawanan pa. Ang landi talaga!
"Ate, ayaw mo ba kay Skyley?" Hera asked.
"What do you mean?" Kasi ang daming pwedeng maging meaning nun.
"I mean, bilang siya. Ayaw mo bang manligaw siya sayo? Kasi sa totoo lang, mas boto po ako sayo kesa doon sa nasa loob na babae. Im not judging Ate Laura but, I feel like hindi siya sincere?"
I don't know what to answer. Ayaw kong saktan ang damdamin ni Hera kasi nga kapatid niya ang pinag-uusapan namin. Pero dapat magpakatotoo na lang ako.
"Ate, bigyan mo po ng pag-asa si Kuya Henley. Kahit na ilang linggo pa lang na nakakasama ko siya, alam kong mabait siyang tao. Nakikita ko rin po kasi sa mga mata niya na kapag nandyan ka, kumikislap eto. At kapag nariyan ka, iba ang ngiti niya. So please po Ate Sophie bigyan mo siya ng chance." Portia said.
Ewan ko. Im trying to digest on what they said. Alam kong mabait na tao si Henley, patunay na nito ang pagtulong niya kay Portia pero kasi, ibang usapan na kapag puso na ang involve. Kapag damdamin na ang involve.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romans**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.