Sophie
Halos araw-araw akong may operation. Minsan isa o di kaya aabot pa sa tatlo sa isang araw ang operation. Kaya naman laging pagod ang katawan ko. May rest day naman ako kaya sinusulit ko ang buong araw ng pahinga ko. Kaya naman hindi na ako nakakapunta para kumustahin sana si Henley sa bahay nila kung ano na ang lagay niya. Though, Hera always keep on updating me naman. Kapag nagkakataong nagkikita kami. Minsan naman she's updating me through text or call.
Pero kahit na alam kong okay na ang lagay niya, iba pa rin yung talagang makita ko siya mismo. Yeah, I miss Henley, so much. Gustong gusto ko siyang yakapin noong nagising siya but I restrained myself from doing it. It's for the best of us. Gusto kong sagotin noon na, mahal ko rin siya. Na hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya. Pero ayokong sabihin ito. Gugulo na naman ang lahat kapag ginawa ko iyon.
Napa buntong hininga na lang ako. Narito ako sa loob ng office ko at nagpapahinga dahil sa katatapos lang ng operation. Una pa lang iyon sa umagang ito. May sunod pa mamayang tanghali.
Someone knocked at the door at pinatuloy ko na ito sa loob. And it's Doctor Nelson De Guzman.
"Hi! Did I disturb you?" He asked.
Ewan ko sa taong ito at lagi na lang akong pinupuntahan dito sa office ko kapag wala na akong ginagawa. Minsan nagdadala ng pagkain. Minsan yung sarili lang niya.
"No. Why?" Taas kilay ko pang tanong. Pagod ako eh. Kaya trip kong magtaray, ngayon lang naman.
"I brought some foods for you. If you don't mind?" At tinaas pa niya yung dala-dala niyang pizza box at soda.
May magagawa pa ba ako? Eh narito kana sa loob? Iyan sana ang gusto kong sabihin kaso hindi na lang. Pinatuloy ko na lang ito at nagkakwentohan naman saglit.
"Why you really here?" I ask. May ibang rason ito kaya nandito. Ramdam ko eh.
Napaayos naman siya ng upo at tumikhim.
"I just wanna ask if, is it okay to you if I'll cou- " Nabitin ang sanang sasabihin nito ng may kumatok ulit sa pinto ko.
"Excuse me, tignan ko lang kung sino. Baka yung assistant ko iyon." Paalam ko at magiliw naman itong tumango at ngumiti.
Pagkatalikod ko sa kanya ay doon na napa ikot ang mga mata ko. Obviously, ayaw ko sa kanya. At obvious naman kung ano ang ginagawa nito.
"Hi Ate!" Hera said na sobrang saya pa nito ng makita ako.
"Come in, Hera."
Masaya itong pumasok sa loob. Ang hyper nitong batang ito.
"Uhmm, wrong timing yata ako Ate." Nagtaka naman ako kung bakit iyon ang sinabi niya pero na gets ko rin agad ng dumapo ang tingin niya sa iniwan ko kanina.
"No, you are on the right timing. Dito ka lang, huwag kang aalis." Medyo pabulong kong sabi sa kanya. Ayokong marinig naman nung isa. Nakakahiya.
Wala na itong nagawa pa at tumango na rin. Pinaupo ko na lang siya.
"Uh Doc De Guzman, this is Hera. And Hera this is Doc De Guzman." Pagpapakilala ko sa kanila.
Malugod namang nagpakilala si Hera. Nahihiya siguro.
"I guess, I need to go. May pag-uusapan yata kayo." He said. Mabuti naman at naka halata. I mentally rolled my eyes. "Uh Sophie? Can I talk to you later?" May hahabol pang sabihin?
"Sure." Wala rin naman akong choice, magpipilit lang iyan.
Umalis na nga ito at doon nakahinga ako ng mabuti. Sakit sa ulo yung taong iyon. Ayoko naman sa kanya. Obviously, he wants to court me. Ang speed ah.
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romans**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.