Chapter 31

1.5K 69 14
                                    

Sophie

Kaya pala, kaya pala walang Henley na nagpaparamdam sa akin, walang Henley na nangungulit at nang-aasar. Walang Henley na nagbibigay ng saya sa akin.

May idea na ako na nakita nga niya pero hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin pa ito. Pero iyon pala talaga ang rason.

Alam kong masakit sa part niya ang nakita, pero hindi ko naman ginusto iyon eh. Hinding-hindi ko gugustohin iyon. May respeto rin naman ako sa kanya. But she just left without even hearing my side. Doon ako nagagalit sa kanya. She assumed.

Pagkatapos ng pag-uusap namin, heto ako ngayon ay umiiyak sa loob ng kwarto ko. Im hurtting. Mabuti nga at nacontact ko si Portia thru videocall na lang. At doon nalaman kong wala na pala silang dalawa sa Pilipinas. Kinwento lahat sa akin ni Portia, pati kung bakit umalis sila ni Henley.

"Anak? Anong problema? Bakit ka umiiyak?" Hindi ko napansin na nakapasok pala si Daddy sa loob ng room ko. Heto, nakikita na naman niya akong ganito.

"Kaya po pala walang Henley dito, kasi po nasa America na." Pinupunasan ko naman ang mga luhang dumadaloy sa aking mukha.

Daddy sat beside me at hinahagod ang likod ko. I feel na pati siya nalulungkot na sa akin.

"So, iniwan ka niya ng wala man lang paalam? At ngayon, nasasaktan ang anak ko. Kapag nakita ko siya, lagot yung bata na iyon sa akin." Hindi naman niya magagawang saktan ang isa eh. Mabait ang Daddy.

"Daddy, nakita po kasi niya pala yung ginawa ni Fred. Nandoon po siya that day. Pero hindi ko naman siya nakita po."
Because nasa labas na pala siya ng pinto at nakasilip.

Daddy Riley hug me so tight. Gusto ko na namang umiyak kapag ganito. Im so vulnerable now.

"Nasira ang namamagitan sa inyo dahil sa ginawa rin ni Frederick. Pero bakit naman hindi nagtanong man sana si Henley?"

"I remembered po, na sinabi niya noon, if hindi raw po siya ang pipiliin ko someday, hindi raw po siya magtatanong kung bakit. And I think iyong time na nakita niya sa office, she assumed na hindi ko na nga siya pinili."

"Ganun ang sinabi niya?" I nodded. "Sobrang mapagbigay naman siya kung ganun. Pero sana naman, pinaglaban niya kung ano ang nararamdaman niya sayo. Kasi kung talagang mahal ka niya at seryoso siya sayo, hindi ganun kadali ang sumuko. Love conquers all."

Sana nga po ganun ang ginawa niya, pero nag-assumed kasi eh.

She stayed with me for minutes. Pinagaan ang pakiramdam ko at nagbigay din ng advices. Sa edad kong ito, ngayon pa ako binibigyan ni Daddy ng advices, sa pag-ibig nga lang. Pero masaya naman na may natututonan ako. Ang corny di ba?

I spend my whole day kasama ang family ko. Mommy knows what Im going through. She even gave me advices too. Ang swerte ko talaga sa kanila.

-----

Kinabukasan, balik trabaho na namin kaming lahat. I mean tatlo pala kami, kasi nag-aaral pa si Silver. Kasabay ko pa rin ang mga magulang sa pagpasok para isang kotse na lang ang gamit. May sarili rin naman akong kotse pero mas gusto ko kasing nakikisabay sa kanila. Minsan tinatamad na kasi ako magmaneho, ayoko namang maghire ng driver.

"Doon na kami sa office anak ah? Focus ka muna sa work." Mommy Samantha said.

"Opo Mommy. See you later!" We kissed each others cheek at kanya-kanya na namang lakad papunta sa office namin.

Habang patungo ako sa aking office, some staffs ay parang kinikilig. Some also are chitchatting na nakangiti pa. I wonder why they are like this. May pasyente na naman siguro silang pinag-uusapan.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon