Chapter Three

110 4 0
                                    

Lhia POV

Nagising akong sobrang bigat ng katawan ko hindi ko malaman kung bakit ganito kabigat, umiyak lang naman ako ng umiyak buong araw kahapon pero yung katawan ko para akong binugbog sa sobrang sakit.

Pag katapos ko mag hilamos dumeretcho muna ako sa kwarto ni Liam kasi buong araw ko siyang hindi nakita kahapon namimiss kona ang baby brother ko. Pag kapasok ko sa kwarto niya nahihimbing pa siya ng tulog pero agad akong tumalon sa kama niya saka siya niyakap ng mahigpit.

"Hmmmm Ateeeeee!" Aba ang sungit naman ng taong to.

"I missed youuuuu!" Sigaw ko sa tenga niya kaya lalong sumimangot ang muka niya. "Ate ang bigat mo hindi na ako makahinga." Reklamo niya kaya natawa ako.

"Bangon na yakapin mo naman si Ate aalis na ako mamaya oh." Kusot mata pa siya ng umupo saka ako tiningnan. "Sure kana ba talaga na doon kana talaga?"

"Oo naman enrolled na nga ako diba? saka nakabili na si Daddy ng condo ko na tutuluyan ko doon." Sagot ko saka siya niyakap.

"Ang layo mo na sakin Ate makakaya mo ba yun?" Binata na tong kapatid ko pero kapag kaming dalawa lang akala mo batang paslit padin. "Uuwi naman ako dito tuwing weekend."

"Iba padin yung nandito ka!" Pag iinarte niya.

"Diba nasabi ko na sayo kung bakit ko kailangang doon mag aral." Sinuklay ko pa yung buhok niya gamit yung daliri ko habang kinakausap siya.

"Hindi naba mababago desisyon mo?"

"Hindi na sympre ano kaba enrolled na nga ako e." Sabi ko saka ginulo yung buhok niya.

"Edi LDR na kayo ni Kuya Rhys?" Napalihis ako agad ng tingin noong binanggit niya ang pangalan ni Rhys. "Hindi ba kayo okay?" Dagdag pa niya kaya lalo akong napaiwas ng tingin. "Ate?" Tawag pa niya ulit kasi hindi talaga ako makasagot sa mga tanong niya.

"KUYAAAAAAAAAA! ATEEEEEEEEEEE!" Sabay kaming napatingin sa pinto ng kwarto niya at kitang kita ko ang saya sa muka nung kambal agad tumakbo si Taylor saka yumakap kay Liam na agad namang hinalikan ni Liam sa noo. Buti nalang dumating tong kambal ayaw ko kasing malaman pa nila kung anong nangyari sa pagitan namin ni Rhys. "You're too noisy Maria!"

"Shut up Mario!"

"Stop calling me Mario!"

"Edi tigilan mo din kakatawag ng Maria sakin!" Palagi nalang nilang pinag aawayan yang pangalan nilang dalawa. Maria Taylor and Mario Tyler ang real names nila at parehas nilang ayaw first name nila.

"Namiss kita kuya!" Masayang sambit ni Taylor saka ito tumingin sakin nanatili lamang blangko ang expression ko. Simula ng dumating sila dito never nila naranasang maging Ate ako.

Never ko sila tinuring na kapatid. Yes galit ako sa mama nila galit ako sa kanila. Kahit alam kong wala naman silang kasalanan hindi dapat sila damay sa galit ko but still galit ako. Hindi ako makaramdam ng amor sa kanilang dalawa kahit lahat ginagawa ng kambal para mapalapit sakin walang epekto lahat ng yun.

"Hi Ate." Nahihiyang bati sakin ni Taylor pero nanatili akong walang emosyon.

"Hindi mo ako Ate kung may kapatid man ako dito si Liam lang yun." Madiin kong sagot kita ko sa mga mata niya ang lungkot at sakit pero wala akong maramdamang awa, sila ang sinisisi ko kung bakit nawala sakin ang atensyon at pag mamahal na binibigay ni Daddy noon. Sila rin sinisi ko kung bakit nasira ang pamilya namin.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon