LHIA POV
Its fridaaay yeheeey! last day na ng pasukan ngayon week. Sobrang daming pinapagawa ng mga professor namin ngayong linggo at sa wakas makakapagpahinga na din kami. Bihira na kami nakakapag sama sama nila Anica ngayon kasi busy lahat sa school works.
Sinalubong ko agad ng isang magandang ngiti ang gwapong lalaki na nag aantay sakin sa tapat ng condo ko. Hahaha joke lang ang pangit niya.
"Good morniiiiiinnnng Clydeee!" Masayang bati ko. Opo si Clyde nga po simula nung maging okay kami palagi na niya akong sinusundo. Always morning ang class ko at siya naman always may training ng morning kaya dinadaanan niya ako.
"Good morning din Tasya." Agad na nanlaki ang mata ko anong tasya pinagsasabi ng taong to.
"Hoy anong tasya ka jan!" Inis na sabi ko saka siya inirapan.
"Lhilianeth Anastacia Montreal." Banggit niya sa buong pangalan ko saka winagayway yung I.D ko.
"Akin na nga yang I.D ko akala ko naiwan ko to sa locker!" Pagsusungit ko saka kinuha yung I.D ko.
"Naiwan mo yan kagabi sa kotse ko. Ang cute ng pangalan mo Anastacia. Tasya for short." Pangaasar niya kaya tinaasan ko siya ng kilay at namewang ako sa harapan niya.
"Tigil tigilan mo kakatawag sa akin ng Tasya!"
"Hahaha ang ganda kaya ng Tasya."
"Maganda mo ulo mo! Tara na nga baka malate pa tayo." Sambit ko saka sumakay sa kotse niya.
"Basta simula ngayon Tasya na ang itatawag ko sayo." Nakangiting sabi niya habang kinakabit yung seat belt ko.
"Ang panget ng Tasya!" Pag iinarte ko. Hindi sa ayaw ko nung tasya. May iba lang akong nararamdaman kapag binabanggit niya kaya parang ayoko.
"Sus panget basta yun na tawag ko sayo." Napangiti nalang ako ng lihim habang nakatingin sa labas ng bintana.
Pakiramdam ko bumibigat yung pag hinga ko.
INGRID POV
Langhap na langhap ko nanaman ang polluted air dito sa pilipinas. Arrgh! Napakainit ng sikat ng araw na tumatama sa mga balat ko. Hindi na talaga nag bago ang pilipinas. Parang gusto kona agad bumalik ng states.
"Jusko naman napakainit dito!" Reklamo ko sa sarili ko kasi pasong paso na ako sa init ng araw.
Pambihira naman kasi ang sabi ko sa Windsor University ang punta ko! Tapos binaba ako sa Mikhail University! Bat ba ang tanga nung nasakyan ko.
Sa sobrang focus ko sa pag tetrace ng Windsor University hindi ko namalayan na may mababangga ako. Buti nalang at nahawakan niya ako agad.
"Owwww sorry Mi--Alexy!!" Agad akong nag angat ng tingin at tila umakyat lahat ng dugo ko ng makita ko kung sino ang nabangga ko.
"It's Ingrid!" Pagtataray ko saka siya tinulak para maalis ang pag kakahawak niya sakin.
"Pero Alexy ang tawag ko sayo dati."
"Dati yun Jax!" Sigaw ko sa kanya. Sa dami dami ng pwedeng makabangga bakit siya pa.
"Awww Jax, Its Nixy diba? My Alexy!" Pagiinarte naman niya kaya inirapan ko siya. Bwisit na to.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...