LHIA POV
"Mommy aalis ka?" Eleanor asked me habang abala ako sa pag aayos ng sarili ko.
"Yes, baby. Mommy have business meeting today." Our company planned to have a resort in quezon province, may ka-business partner kami but dad diddn't tell me yet kung sinong company ang kasusho namin.
"Can I come with you, mommy?"
"Baby you can't. Maybe next time, okay?" Lumapit ako sa kanya.
"Can I go to Mommy Ingrid?" Nakanguso niyang sabi.
"Mommy Ingrid is not in the hospital e, nasa site siya sa quezon city. Babawe kami ni Mommy Ingrid mo kapag may time kami." Ngumuso siya lalo kaya nakonsensya ako. "Tito Tyler and Tita Taylor is here naman, baby. Promise babawi kami, okay?"
Tumango lang siya saka yumakap sa akin. Since pumasok na ako sa company at si Ingrid naman nag start na sa hospital, wala na kaming time kay Eleanor. Sobrang busy talaga.
Pinag drive ko ang sarili ko kasi wala si Liam o kahit si Drake, parehas busy pakatamad ko pa naman may drive. Sa isang mall ang meet up namin noong engineer daw mula doon sa company, para ipakita sa akin yung plano nila ng architect na galing sa company namin.
Maingat akong nag park at sinuot ang coat ko bago lumabas ng kotse. Pumasok ako sa cafe na sinabe ni Dad then I texted the engineer. Nag reply siya may bandang dulo daw. Natigilan ako ng kumaway sa akin si.....Rhys??? Ginagawa niya dito.
"Long time no see, Ms. Montreal." Napataas agad ako ng kilay. Joke ba to?
"Anong ginagawa mo dito, Rhys?"
"Engineer Rhys Ensler." Pag tatama niya, fuck! Siya ang engineer? Hindi naman siguro sila Clyde ang business partner?
"I don't care! Make it clear with me! Bakit ikaw ang engineer?"
"Take a sit muna, masyado kang highblood. Hindi mo ba ako namiss?"
"Fuck you!"
"Oh really? Want mo na ngayon?" Nasapo ko ang noo ko saka umirap sa kagaguhan ni Rhys.
"Wala akong panahon makipag gaguhan sayo."
"Calm down! Rhys Limuel Ensler, head engineer ng Ensler group of company." Formal na pag papakilala niya. Umupo ako sa tapat niya saka siya tinitigan ng masama.
"Kayo nga ang business partner namin?"
"Well, yes. Bakit ayaw mo ba? Kilala ang company namin sa mga the best na resort outside and inside our country."
"Wala akong pakialam." Walang kwentang sagot ko. "Show me the plan." Agad niyang inabot ang blueprint and yung sketch ng resort. Tiningnan ko yun ng mabuti. Maganda ang plano. Ako ang naka assign para sa pag budget sa pag papagawa.
"Ang ganda ng plano diba? Approval mo nalang saka ng place ang kulang, pwede ng simulan." Masama akong tumingin sa kanya. "Bakit ba ang sama mo tumingin, wala naman akong ginagawa sayo."
"Tss. I still can't believe! Bakit kayo pa! Putcha naman!" Iritang sabi ko saka binato sa kanya yung blueprint.
"Malay ko ba kay Clyde at sa daddy mo. Nautusan lang naman ako dito."
"Tss. Wala kang kwenta kausap."
"Ikaw din naman wala." Masama ko nanaman siyang tiningnan.
May pinag usapan pa kami saglit tapos after nun dumeretcho ako sa company, agad akong pumasok sa office ni daddy without his consent, bahala siya jan!

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Roman pour AdolescentsLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...