RHYS POV
Iniwan ni Clyde dito sa bahay si Eleanor kasi may mahalaga daw siyang pupuntahan at babalik din naman mamaya.
"Anak ni Tito Clyde yan kay Ate Lhia?" Tanong ni Gelli, habang nakatingin kay Eleanor na busy sa pakikipag laro dun sa aso ni Clyde.
"Oo, bakit?"
"Anong pakiramdam, na inaalagaan mo yung anak ng ex-girlfriend mo at ng pinsan mo?" Nakangiti akong tumingin sa kanya.
"Masaya, kasi kahit papaano maganda yung naging bunga ng ginawa kong kagaguhan kay Lhia dati." Lahat pinag sisihan ko, I really love Lhia before. Kaso masyado pa akong immature para mag settle sa kanya, I want fun pa that time.
Noong nakita ko kung gaano kasaya si Lhia sa pinsan ko, nag selos ako, nagalit ako sa sarili ko. Hindi ko matanggap pero noong makita ko kung gaano kamahal ni Clyde si Lhia, natuto nadin akong tanggapin na para talaga sila sa isat isa.
"Kamukang kamuka ni Tito Clyde ang anak niya, so cute." Nanggigil na sabi ni Gelli. "How's Ate Lhia?"
"She's okay, sobrang successful na at lalong gumanda."
"Do you still love her?"
"Of course I do, hindi naman ako tumigil mahalin si Lhia pero yung pag mamahal ko na to, ay pag mamahal na sumusuporta sa kanila ni Clyde." Pi-nat ko yung ulo niya saka ginulo yung buhok niya.
"Tito!"
"Ang arte! Parang dati tuwang tuwa ka pag ginugulo ko buhok mo."
"Dati yun! Bata pa ako nun, ngayon dalaga na ako!"
Nahinto kami sa pag uusap ng biglang dumating si Clariss.
"Hi! Kumain naba kayo? May mga foods kaming dala."
"Kami? Sinong kasama mo?" Takang tanong ko.
"Si Tita Beatrice at Antoneth."
"What?" Sabay naming sigaw ni Gelli, nakwento kasi ni Clyde yung nangyari sa dinner nila last time.
"Oh Rhys! Nasaan ang Mommy mo?"
"Tita, wala po sila Mommy."
"Hey, Gelli! Ohh who's this little kid?" Kinurot ni Antoneth yung pisngi ni Ele.
"Tito Engineer!" Takot na tumakbo si Ele sa akin saka nag tago sa likod ko.
"Who's them, Tito?" Marahang sumilip si Ele sa kanila.
"Come here, baby." Hinila ko siya papunta sa harapan ko, lumuhod pa ako sa harap niya para mapantayan ko siya. "Baby, she's your Mami-lola din, mama siya ng Daddy Clyde mo and siya naman ng Tita Antoneth mo kapatid ng Daddy mo." Inosenteng tumingin si Ele sa kanila.
Gulat na tiningnan ako ni Tita pag katapos ay kay Eleanor naman.
"Omg! Siya naba yung anak ni Kuya kay Ate Lhia?" Nilapitan ni Ann si Eleanor saka niyakap. "You're so cute, baby! Kamukang kamuka mo si Kuya!" Pinanggigilan pa ni Ann ang pamangkin niya.
"Stop it na, Tita. Masakit na yung pisngi ko." Natawa kami ng ngumuso si Ele habang namumula ang pisngi.
"Hahaha sorry baby." Tumayo si Ann saka humarap kay Tita. "Ngayon mo sabihin, Mommy, na hindi anak ni Kuya yan. Tingnan mo babaeng version ng anak mo."
Naagaw ang atensyon namin sa biglang pag dating ni Clyde.
"Daddy!" Tumakbo si Ele sa daddy niya saka nag pakarga.
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
