LHIA POV
Nanatili akong tahimik habang tumutulong para i-organize ang mga balloons and foods. I also helped them kanina sa pag luto. Masaya ako na okay na si Ingrid at Khane. Finally ngumiti na ulit si Ingrid ng ganyan ka ganda.
Kasalan nalang inaantay ko, after ko maayos yung 'happy anniversary' umatras ako ng konti para tingnan kong pantay yung pag kakalagay. Perfect! So cute tapos may mga pictures pa nila Jared.
Nag lagay pa ng light ball si Marvin sa gitna noong kubo malapit sa dagat, mabuti at naisip ni Jared na palagyan ng ganito.
"Akin na muna si baby, need niyo na mag blow ng candle!" Sigaw ni Allison. Medyo nahirapan pa siya kaya kinuha ko na sa kanya si baby.
Naalala ko tuloy si Eleanor, noong baby pa yun mas gusto pa nun mag pakarga kay Ingrid kaysa sa akin. "Cheers para sa isang taon niyong buhay mag asawa!" Nakipag cheers kaming lahat para batiin sila.
"Blow the candle na!" Sabay silang nag blow at parehas nakangiti, they looked so happy. Sana all!
"Happy anniversary!" Bati namin.
Pinasok muna nila kay Nanay Cita ang anak nila saka kami nag simulang kumain. I was so amazed sa sarap ng mga pag kain.
Nag take pa kami ng pictures noong nag sunset na. Memories flashing on my mind, ala-ala na dapat kinakalimutan na. I sighed bago bumalik sa kubo saka nag bukas ng alak.
Nag simula nadin kaming mag inuman, parang kagaya lang dati, tamang chill kami habang puro sila kalokohan. Wala pading pinag bago. Nakangiti akong umiling.
"I have a question." Nahinto ang pag inom ko ng mag salita si Clyde.
"Ano naman yun?" Tanong ni Lucas, ang sweet nila ni Clariss.
"Kung kalokohan lang yung thing about Ivan and Ingrid." He's drinking his liquor while staring at me. Ano bang gusto niyang sabihin! "Who's Eleanor?" I freezed for a second dahil sa tanong niya.
Punyeta!
"Eleanor?" Nag tanungan nadin ang mga kaibigan namin.
"Yeah. A little girl na tumatawag kay Ingrid na mommy."
"Oo nga babe! Sino pala yun! Akala ko anak niyo yun ni Ivan?" Naguguluhang tanong ni Khane. Tumingin sa akin si Ingrid, wala akong masabi. Kinakabahan ako.
"She's my adopted child." Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Ivan. "I adopted her since she's a baby. Kay Lhia at Ingrid na siya halos lumaki kaya naman sila yung kinikilala niyang mommy." I felt guilty for my daughter. Parang kinakahiya ko siya.
Fuck! She's my real child! She's a Montreal!
"Owww! Can we meet her?"
"No!" Gulat silang tumingin sa akin. "I mean not now, maybe soon kapag nakapag adjust na siya dito sa pilipinas." Pakiramdam ko pinapatay ako ni Clyde sa talim ng titig niya. Fuck you! Hindi mo makikilala ang anak mo!
"Naninibago pa kasi si Eleanor, hindi siya sanay dito lalo na sa klima ng pilipinas. Sa america siya lumaki e." Pag salo sa akin ni Ingrid.
"Babe, can I visit her?"
"Soon."
"Gawa nalang tayo ng sarili nating baby." Natawa ako ng batukan siya ni Ingrid. Gago talaga ni Khane.
"Kasal muna! Puro ka kamanyakan!" Binato siya ni Marvin ng balat ng dalandan kaya lalo kaming natawa.
"Bridesmaids ako!" Sabi ko at tinaas pa ang kanang kamay. I can wait to see my bestfriend to marry the man she's truly love. I giggled.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...