Chapter Twenty Six

51 2 0
                                    

INGRID POV

Nakabalik na kami sa Windsor at nasa clinic nadin ng Windsor si Lhia malapit na ang performance namin pero hindi padin siya nagigising.

"Ingrid kumalma ka nga nahihilo ako sa paikot ikot mo eh."

"Wag mo akong tingnan kung nahihilo ka Khane."

"Kinakabahan ka ba?"

"Hindi! Nangangatog lang yung kalamnan kong ubusin ang buhok ng pesteng Nathalie yan!" Yung mag kaibigan talaga na yun walang kadala dala.

"Ate Ingrid oh tubig para kumalma ka baka dika makasayaw ng maayos mamaya e." Tinanggap ko yung inabot ni Anica na tubig.

Nandito ang mga kaibigan namin maliban kay Lhia at Clyde. Bwisit hindi tuloy ako mapapanuod ni Lhia!

"Sadyang napakahuhusay naman talaga ng mga students ng bawat university dito sa Makati."

"Oo nga partner grabe yung mga hataw nila. At para sa ikatlong kalahok natin. Lets all welcome Windsor University dance troupe!"

Malakas na sigawan ang narinig ko mula sa mga esdyante.

Ang tagal na nung huling beses na nag perform ako sa madaming tao. Gosh! Medyo kinakabahan ako.

"Wag kanang kabahan Ingrid alam kong kayang kaya mo yan!" Bulong ni Khane.

"Tsk sige na jan na kayo."

May ginawa pang kung ano ano ang leader namin bago kami pumunta sa stage. Nalulula ako sa dami ng tao.

Nakaramdam ako ng kaba nung mag tama yung tingin namin ni Khane agad niya akong nginitian ng matamis saka nag thumbs up pa.

Pakiramdam ko pinakalma ako ng mga ngiti niya. Ano tong kabaliwang iniisip mo Ingrid!

Nag simula na kaming sumayaw at siniguro kong naibigay ko yung best ko para sa sayaw na to.

Nairaos ko ng maayos yung sayaw namin at nakangiti akong sinalubong ng mga kaibigan ko pag katapos ng performance namen.

"Grabeeee Ingrid ang sexy mo kanina!" Sigaw ni Khane saka ako niyakap.

"Oo nakita ko nga naluwa na yung mata mo sa sobrang pag titig sa akin." Sabi ko saka siya marahang tinulak.

"Congrats ate Ingrid malakas ang kutob ko na kayo ang mag chachampion ngayon!" Bati ni Allyson.

"Sana nga. Sige may pupuntahan lang ako pero babalik ako agad." Paalam ko sa kanila.

"Sama ako." Parang batang sabi ni Khane.

"Manahimik ka jan Khane saglit lang ako!"

Malapit na ako sa exit ng performing room ng biglang may tumulak sakin kaya natumba ako.

"Nakakainis kana talagang babae ka!"

"Ano nanaman bang problema mo Stacy!"

Tumayo ako at pinagpag yung damit ko. Pero hinampas niya ako sa balikat ko.

"Mang aagaw ka! Manang mana sayo yung kaibigan mo! Ako ang dapat panunuorin ni Khane at hindi ikaw! Kahit kailan napaka agaw eksena mo!"

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon