INGRID POV
Ako palang ang gising sa aming apat maayos naman na ang lagay ni Lhia dahil katulad ko hindi kami masyado natamaan sa aksidente.
Si Anica maayos naden ang lagay samantalang si Allison nasa ICU pa siya ang pinakamalalang timaan dahil siya yung driver. Nanginginig pa yung kalamnan ko at nandito ako sa kwarto ni Anica at Lhia pinag sama lang sila sa iisang kwarto.
Natawagan ko na din sila Kuya Lance sinabi ko naman na maayos na si Lhia walang dapat ipag alala at pag nagising pwede na makauwe.
"Ingrid okay ka lang ba?" Agad akong niyakap ni Khane nung makita niya ako.
"Okay lang ako si Allison ang hindi okay."
"Nasaan si Allison?" Nag aalalang tanong ni Lucas.
"Nasa ICU pa si Allison baka dumating nadin maya maya ang parents niya at parents ni Anica natawagan ko na din si Christ." Nakita ko naman si Clyde na lumapit kay Lhia at hinawakan yung kamay ng kaibigan ko kaya napataas yung kilay ko.
"Ingrid okay ka lang ba?" Agad na tanong nila Ralph, Jax at Lynard na kakarating lang.
"Maayos na ako sila nalang ang hindi."
"Ano bang nangyari?" Tanong saken ni Jax.
"Hindi gumagana yung break ng sasakyan ni Allison malapit na kami sa stop light at mabilis yung patakbo namin basta yun bumangga kami. Tinatamad ako mag paliwanag!"
Maya maya pa dumating yung doctor na nag asikaso kay Allison.
"Doc kamusta na po si Allison?"
"Sino sa inyo ang kamag anak niya?"
"Kaibigan lang po kaming lahat na nandito." Ako na yung sumagot.
"Maayos naman na ang kalagayan niya, masyadong malakas yung impact ng pag kakatama ng ulo ng pasyente pero good thing at walang nadamage na kahit ano sa part ng head niya. All we need to do is to wait for her to awake. Kapag nagising na ang pasyente after ng 48 hours it means okay na siya at kapag hindi pa kailangan siyang i-CT Scan."
Umalis na ang doctor at sakto sa pag dating ng parents niya kaya sinamahan nila ang parents ni Allison sa kwarto ni Alli. Naiwan naman ako kasama si Clyde, Ralph, Jared at Jax.
"Ingrid." Agad akong lumapit kay Lhia ng mag kamalay na siya ganun din si Ralph na hinaplos pa ng bahagya ang buhok niya.
"Kamusta sila Anica at Allison?"
"Parehas na silang okay pero wala pading malay."
"Ingrid hindi aksidente yung nangyari malakas ang kutob ko na si Allison ang sunod niyang target." Umiiyak na sambit ni Lhia kaya niyakap ko siya.
"Hindi ka namen maintindihan."
"Noong araw na muntik ng mahulugan ng paso si Khane hindi yun aksidente nakita ko yung babaeng nag hulog sa kanya nun. Nung time na naaksidente si Clyde siya yung nakita kong nag kalas ng tali sa back stage! Hindi aksidente yung nang yare nag report ako pero pinipilit nilang aksidente lahat yun!" Tuloy tuloy lang sa pag iyak si Lhia habang nag kukwento.
"Tapos kaninang umaga kanina ko ulit siya sa parking lot malapit sa kotse si Allison hahabulin ko sana siya kaya lang biglang may kotse na dumaan kaya nawala siya sa paningin ko! Alam kong may ginawa siya sa kotse ni Alli kaya nasira yung break!"
"Nakilala mo ba?"
"Hindi nakasuot siya palagi ng black na hoodie at naka mask siya palagi."

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Fiksi RemajaLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...