Chapter Nine

84 4 0
                                        

INGRID POV

Ginabi na ako ng uwi sa condo na inuupahan ko dito sa taguig sumasakit ang ulo ko sa mga nangyari kanina.

"Kamusta naman ang nangyari sa buong araw mo?" Kausap ko ngayon sa skype ang boyfriend ko na naiwan ko sa states dahil sa balak kong gawin dito sa pilipinas.

"Okay naman." Tipid kong sagot.

"Kwento mo naman mga nangyari sayo ngayon namimiss na kita Ingrid." Biglang naningkit ang mga mata ko. Saka ako nag iwas ng tingin sa camera.

Sigurado ba tong boyfriend ko na gusto niyang malaman kung anong nangyari sakin.

"Ingrid I'm talking to you may nangyari bang hindi maganda." Nagsalita siya ulit. Bukod sa kasama ko ex ko kanina at nag dinner out kami wala naman ng ibang hindi magandang nangyari. Pero sympre sa isip ko lang sinabi yun mamaya mag wala pa to.

"Wala naman Ivan bukod sa naligaw ako pero okay naman na." Pag sinungaling ko.

"I think napagod ka ng sobra sige na mag pahinga kana. I love you."

"I love you too Ivan." Sagot ko saka iend ang call.

Napahilamos ako sa muka ko ng maalala ko ang mga nangyari kanina. Nakakairita yung lalaking yun wala ng matinong nangyari sakin kanina simula nung nakasama ko siya.

Humiga ako sa kama ko saka tumitig sa kisame. Maya maya nag ring ang phone ko at unknown number ang caller. Sino naman kaya tong istorbo na to.

"Magandang gabi Alexy!" Tangina wala bang balak to na patulugin ako.

"Tigilan mo ako Jax!"

"Highblood kapa din Alexy." Naiimagine ko yung muka ng bwisit na to, kapag binabanggit niya yung Alexy. Nakakayamot!

"Nababaliw kana!" Sigaw ko saka siya pinatayan ng cellphone at nag airplane mode.

Bakit Kasi kailangan pa naming mag Kita ulit hmp!!!

LHIA POV

Maaga ako nagising at naglinis ng condo ko para sa pag punta nung mga kaibigan ko. Pag katapos kong maglinis saktong may nag doorbell na agad kong pinagbuksan.

"Hi Lhiaaaaaa!" Masayang bati nila Alli. Binati din ako ng iba pa at saka sabay sabay ko silang pinapasok.

"Hi Tasya!" Nginitian ko lang si Clyde sa pag bati niya sa akin.

"Kuya Mike nakauwi kana pala."

"Oo Lhia kani kanina lang."

Marami silang mga pagkain na dala at hindi mawawala ang alak na dala ng mga lalaki. It's inuman time hahahaha. Nasa kusina kaming mga babae para mag bake at para lutuin ang mga pagkain na dala nila.

"Ate Ihna diba matagal na kayong mag bestfriend ni kuya Mike." Tanong ni Allison habang panay papak sa mga ingredients na ginagamit namin.

"Oo sobrang tagal na mga bata palang kami."

"Hindi man lang kayo nag kainlaban sa isat isa kadalasan kasi sa mga mag bestfriend palaging may naiinlove e." Napalingon ako dahil sa tanong ni Alli kay ate Ihna.

"Hahahaha naku kang bata ka! Walang ganun na namamagitan sa amin. Saka mag kaiba kami ng pananaw sa pagibig kaya malabo."

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon