LHIA POV
One week nadin ang lumipas simula ng klase namin, at aligaga nanaman kami dahil sa sobrang dami ng school works. Nakakastress sa totoo lang.
Mag kakasama kaming apat na babae sa cafeteria kasi may klase pa ang mga lalaki. Nakasimangot kaming kumain dala ng pagod sa mga klase namin.
"Owww ang cute ng tandem ng circle of friends niyo no? Yung isa kabit, merong din may boyfriend pala nalandi pa, may napatol sa pinsan ng ex niya at merong salawahan." Agad namintig ang tenga ko sa pinag sasabi ni Stacy.
"Updated na updated sa buhay namin ah, wag mo naman masyado ipahalatang idol niyo kami." Ani Allison ng hindi natingin sa kanila.
"Excuse me! Hindi namin kayo idol no! Asa naman kayo!"
"Hindi pala e, bakit hindi nalang kayo manahimik tapos umalis sa harapan namin, naasiwa ako sa pag mumuka niyo." Ako naman ang sumagot.
"Mas nakakaasiwa naman yang pag mumuka mo! Hindi kayo bagay ni Clyde!"
"Okay lang hindi padin mababago nun yung katotohanan na ako yung mahal niya at hindi ikaw." Maarteng sabi ko saka umirap kay Nathalie.
"It's a miracle Ingrid mukang ang tahimik mo yata? Nahih--" Lahat kami ay nagulat ng biglang ingudngod ni Ingrid si Stacy sa soup na kinakain niya. "What the hell!" Nang gagalaiting sigaw ni Stacy. Rinig ko naman ang tawanan ng mga estudyante.
"Kapag hindi ka pa umalis sa harapan ko, hindi lang yan ang aabutin mo. Baka gusto mong sumunod kay Olivia!" Naiinis na banta ni Ingrid.
"I hate you!" Nag mamadaling umalis si Stacy, umirap naman sa akin si Nathalie bago sumunod sa kaibigan niya.
"Baliw din yata yung dalawang yun." Tawang tawang sabi ni Allison.
"Feel ko din." Napuno kami ng tawanan habang nilalait yung dalawang higad.
Natapos ang araw na yun at sobrang pagod kaming lahat. Naalala ko na ngayon pala yung dinner namin ni Clyde together with his family.
"Ingrid kinakabahan ako." Problemadong sabi ko.
"Sympre mag kamag anak ang dinali mo, kakabahan ka talaga."
"Alam mo minsan wala kang kwenta kausap!" Inirapan ko siya.
"Nagsasabi ako ng totoo!"
"Bwisit ka!" Sigaw ko tapos binato ko siya ng unan.
Kanina pa ako namimili ng susuotin at sa huli isang simpleng pulang dress ang sinuot ko at hindi kataasang heels. Kinakabahan padin ako.
"Hooy Alexandria aalis na ako! Yung gamot mo wag mong kalimutan!"
"Psh! Ingat ka! Good luck." Binigyan niya ako ng kakaibang tingin kaya umirap ako.
Nakita kong nakangiti si Clyde habang inaantay ako. Yumakap ako sa kanya, hinalikan niya naman ako sa noo.
"Baby kinakabahan ako."
"Don't be. Kasama mo ako wala kang dapat ipag alala." Dinampian niya ako sa labi saka kami sumakay sa kotse niya.
Nanginginig ang kalamnan ko habang patuloy kaming lumalakad ni Clyde papunta sa dining area. Hindi ito ang unang beses na pumunta ako sa bahay niya. But iba ang sitwasyon ngayon.
"We're here." Sambit ni Clyde. Nakita ko kung paano umangat ang kilay ng mommy niya saka ako tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Magandang gabi po." Bati ko, nandun ang daddy ni Clyde na kahit nakangiti sakin hindi ko maiwasang kabahan.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Novela JuvenilLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...