Chapter Twenty Five

56 3 0
                                    

LHIA POV

Kasama ko ang mga kaibigan ko ngayon pati ang ibang players ng volleyball.

Unang laban ng basketball team ngayon at ang Mikhail ang una nilang makakalaban.

"Ang hirap pala kapag mag lalaban na sila hahaha." Natatawang sabi ni Allison.

"Hindi natin alam kung kanino tayo mag checheer kasi parehas nandyan ang mga kaibigan natin." Sabi ko saka sinulyapan si Clyde na saktong nakatingin din sakin kaya nag iwas ako ng tingin.

"Malapit na mag simula ang laban." Banggit ni Coach Randy.

Ang first five ng team namin ay si Clyde, Jared, Lucas, Marvin at si Mr. Luiz. Hindi ko kilala yung isa pero Luiz ang nakalagay sa jersey niya.

"Tsk nag lalaro din sana ako ngayon at hindi lang nanunuod dito." Reklamo ni Jax ewan ko ba sa lalaking to bakit nasa team namin, dapat andun siya sa ka team niya e.

"Kung hindi ka kasi gago at hindi ka pikon edi sana parehas tayong nag lalaro!" Sumbat naman ni Khane.

"So ako ang sinisisi mo?" Iritang tanong ni Jax.

"Bakit sino ba unang nanapak ikaw naman diba?" Sumbat ulit ni Khane.

"Nangingialam ka kasi!"

"Hindi kasi tama yung ginagawa mo!"

"Hindi ka pa di----"

"Sige wag pa kayong manahimik tapos mag sapakan kayo ulit para hanggang finals hindi kayo makalaro!" Agad silang nanahimik ng si Ingrid na ang nag salita.

Nag simula na ang laban at nasa amin ang bola. Mahigpit na nag babantayan ang dalawang captain ng team.

Si Lynard naman ang binabantayan ni Lucas at kitang kita ko ang tensyon sa pagitan nila.

Hindi kay Lynard lang pala.

Lumipas ang ilang minuto at tabla lang ang score namin 6-6. Maya maya pa biglang uminit nanaman ang laban.

First game palang pero pakiramdam namin finals na ang nag lalaban pareho silang mainit sa laban.

"Ako lang ba ang nakakapansin pero parang kanina pa nag kakaanuhan si Lynard at Lucas." Bulong ni Anica sa akin.

"Napapansin ko din pero chill lang naman si Lucas si Lynard ang gigil e." Sagot ko saka tiningnan si Allison na parang hindi mapakali.

"GOOOOO WINDSORRRRR!"

"GOOOO CAPTAIIIIN CYLDEEEEE!"

Nabingi ako sobrang lakas na sigawan ng mga babae ng maka shoot ng 3pts si Clyde tapos tumingin sakin sabay kumindat.

Letche hindi mo ako makukuha sa kindat mo!!

"Omyygosssh Nathalie I think ikaw yung kindatan ni Clyde." Kinikilig na sabi ni Stacey.

Bobo sakin yun!

"Assumera ka girl? Ehh halata namang para kay Lhia yun." Nagulat ako sa biglang pag singit ni Anica sa usapan nila.

"Kinakausap ba kita?" Pag tataray ni Stacey.

"Bakit ikaw din ba ang kinakausap ko?"

"Wag mo nalang patulan Anica manuod kana lang." Sita ko baka mamaya mag kagulo pa dito.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon