LHIA POV
Dumaan kami sa isang grocery store kanina kasama si Clyde para mamili ng inumin at makakain namin.
Busy sila sa sala habang ako nandito sa kusina nag luto ako ng sisig para sa pulutan. Nag sizzling din ako ng hotdog. Nang matapos na ako isa isa ko ng nilagay sa lapag ang mga pag kain at alak.
We decided na sa lapag nalang kami uminom. Ginawa kong dim lang yung ilaw ng condo ko saka kinuha ang speaker ko para mag pa tugtog ng hindi ganun kalakasan para mag karinigan pa kami.
Nagsimula na silang uminom habang ako sa pulutan muna.
"Sobrang dami ng nangyayari sa atin. Nadisgrasya na tayo but thank God we still alive." Panimula ni Allison sa usapan.
"Nung time na Nadisgrasya tayo akala ko end ko na talaga yun buti nalang hindi pa."
"Ako din pamilya ko agad ang naisip ko hahaha."
"Ako hindi ko iniisip na katapusan kona kasi alam kong madami pa akong gagawin dito sa mundo." Pag salungat ni Ingrid saka uminom.
"Mag kwento na kayo." Singit ko sa kanila
"Ayoko mauna!" Sabi ni Anica saka uminom ng alak.
"Aba ayoko din!"
"Spin the bottle nalang kung sino mauuna!" Suggest ko saka inikot yung bottle.
At ang galing kasi sa akin tumapat.
"Pano ba yan mag kwento kana!"
"Kasi ganito yan remember diba na kakagaling ko lang sa break up nung pumasok ako sa Windsor." Panimula ko.
"Oo yung muka kang lantang bulaklak walang kabuhay buhay mygaaad!" Pang iinsulto ni Anica.
"Tapos namamaga pa mata nung unang beses ka namin nakita hahaha." Isa pa to si Allyson.
"Ewan! So ayun na nga si Rhys ang ex boyfriend ko. Tapos na meet ko si Clyde, si Clyde na palaging nandyan sa akin. At oo na aamin na ako gusto ko si Clyde hindi ko alam kung mahal kona ba siya basta sure akong gusto ko siya." Pag amin ko sa kanila.
"Oh ano naman kung gusto mo siya? Single ka tapos single din naman si Clyde." Sabat ni Anica.
"Oo nga Lhia wala ako nakikitang mali kung magustuhan mo si Clyde."
"Yun nga yung problema ko kasi gusto ko si Clyde." Taka naman nila akong tiningnan.
Uminom muna ako mga dalawang beses kasi hindi ko alam paano ko sasabihin.
"Ano ngang problema dun?"
"Rhys at Clyde ay mag pinsan." Uminom ako ulit pag kasabi ko nun.
"Ano naman kun--WHAT MAG PINSAN SILA?" Gulat na sigaw ni Allyson.
"Ex boyfriend mo ay pinsan ni Clyde tama ba?" Pag uulit pa ni Anica.
"Oo mag pinsan sila. Kaya nga diba noong una ayokong mapalapit kay Clyde kasi ayoko na ng connection sa pamilya ni Rhys pero wala e! Hindi ko napigilan yung sarili kong mapalapit kay Clyde!" Napabuntong hininga nalang ako ng malalim.
"Wala naman kayong magiging problema kung hindi manggugulo yung ex mo!"
"Isa pang problema yan kasi yung gagong ex ni Lhia nag hahabol ngayon sa kanya." Singit ni Ingrid.
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Ficção AdolescenteLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
