INGRID POV
Days ang lumipas at wala pading pinag bago si Lhia at hanggang ngayon ayaw niya padin mag kwento, naiinis na ako lalo.
Okay naman yung mga araw ko sa Windsor not until yung epal na ex girlfriend ni Khane ay nag iinarte.
Bihira nalang kami mag kasama sama dahil lahat ay abala sa practice malapit na daw yung sport festival kaya lahat ay busy doing their stuff.
"Hey! Ingrid Alexandria Fortes, yun pala ang pangalan mo." Oh the bitch is here.
"Mukang pinag laanan mo ng oras na malaman ang pangalan ko. Nakakatouch ka naman ramdam na ramdam ko ang pag hanga mo sa akin."
"Hindi kita hinahangaan! At hindi ka kahanga hanga!"
"Okay if you say so." Malamig kong sabi wala talagang kwenta kausap ang taong to.
"Ano kaba talaga ni Khane! Nakita ko kayo kahapon mag kasabay kayo pumasok pati kanina!"
"Ako lang naman ang bagong kinakabaliwan ng ex boyfriend mo." Walang gana kong sagot.
"Ang kapal naman ng muka mo! Ako lang ang gusto ni Khane kaya wag mo siyang landiin!"
"Alam mo ako iritang irita na ako sa bullshitan ng bunganga mo! Hindi kaba nahihiya na halos araw araw para kang gagang desperada!" Hindi ko na mapigilang mag taas ng boses nakakarindi kasi yung bunganga niya.
"Hindi ako desperada! Stay away from Khane, malandi ka!"
"Bakit hindi si Khane ang sabihan mo na lubayan ako! For your fucking information babae ka-----"
"Wag mo akong mababae! Stacey ang pangalan ko!" Automatic na napairap yung mata ko sa inasta niya.
"I don't fucking care kung anong pangalan mo! Si Khane ang nalapit sa akin hindi ako, kaya pwede ba lubayan mo ako, baka hindi kita matansya!" Aalis na sana ako pero hinila niya ako sa braso kaya naman naitulak ko siya dahilan para matumba siya. "Wag mong sagarin ang pasensya ko!" Tiningnan ko ng masama yung mga studyanteng mga chismosa na nakatingin sa akin kaya naman agad silang nag sialisan.
Tong isip bata na to ang magiging sagabal sa payapa kong pag aaral dito sa Windsor. Nakakainis yung pag uugali niya.
"Hindi kaba marunong humingi ng pasensya sa ginawa mo!" Agad akong pumunta sa kumpulan ng estudyante ng marinig ko ang boses ni Lhia.
"Who the hell you think you are? Para pag hingian ko ng sorry, saka hindi ko sinasadya na matapunan ka ng pag kain ko."
"Abay isang gago ka pala e! Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo hindi ka sana makakaistorbo ng tao."
"Ehh ano bang pakelam ko kung natapunan kita. I can buy another foods naman for me."
"Ahh wala ka palang pakealam ahh!" Hindi na ako nagulat ng binuhos ni Lhia yung Frappe niya dun kay Nathalie, yes tong bobong bitch na to ay si Nathalie na ex-girlfriend ni Clyde.
"What the hell are you doing!" Akala ko yun lang yung gagawin niya pero kinuha niya pa yung spaghetti saka tinapon sa muka nung Nathalie talagang dinunot niya yun.
"Stop it Lhia!" Oh ang isa pang gago ay dumating. Agad namang yumakap si Nathalie kay Clyde saka umiyak.
"Woww galing umarte ahh nakakaiyak ba yung ginawa ko, deserve mo yan gaga ka!"
"Mag sorry ka Lhia!"
"At sino ka naman para utusan akong mag sorry sa gagang yan?" Go bestfriend!
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Fiksi RemajaLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
