LHIA POV
Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib simula ng maging okay kami ni Kuya. Tuwang tuwa din si Liam ng malaman niyang maayos na kami. Saturday ngayon at ngayon yung araw na napagkasunduan namen nila kuya. Balak namen maligo sa dagat ngayong araw. Mauuna doon si kuya at Liam tapos susunod kame ni Clyde.
"Tara na!" Tumango ako saka sumakay na sa kotse niya.
"Excited na akooo!" Masayang sigaw ko sa loob ng kotse ni Clyde.
Pag katapos ng mahabang biyahe finally nasa batangas nadin kami. Isa sa mga resort sa batangas ang napili namen. Agad akong hinalikan ni kuya sa noo at yumakap naman si Liam sa aken.
"Waaaaw ang daming pag kain! Kuya kumain naba kayo? Kain na tayo nagugutom na ako."
"Teka lang antayin na naten sila para sabay sabay na."
"Sinong sila kuya?" Takang tanong ko.
"Hi Ateee Lhia!" Nagulat ako ng biglang dumating si Taylor na kasunod ni Tyler.
Tumingin ako sa tatlong lalaking kasama ko pero pare parehas silang sumipol at tumingin sa malayo. Set up nanaman.
"Ate totoo po bang pumayag kayo na makasama kame dito?" Masiglang tanong ni Taylor.
"Haa? Ni hindi ko nga al---"
"Oo Maria pumayag ang Ate Lhia mo."
"Kuya Cly naman e, Taylor kasi hindi Maria!"
"Hahahaha napakacute mo Taylor!" Kinurot ni Clyde ang pisngi ni Taylor saka binuhat at humarap sakin. "Diba Tasya pumayag ka?"
"Ahh oo." Napa oo nalang ako kahit ang totoo e, set up lang to.
"Ate." Bigla akong nanlumo kase sa unang pag kakataon tinawag akong Ate ni Tyler madalas kaseng si Taylor lang ang nangungulit sakin. Tumingin ako sa kanya. "Hindi kana ba galit sa amen ni Maria?"
"Taylor nga sabe!"
"Manahimik ka nga jan Maria!" Sita ni Tyler saka tumingin ulit saken. Kita ko ang pag asa sa mata niya na sasabihin kong oo hindi na ako galit.
Hindi ako nag salita agad akong yumakap sa kanya kasabay ng pag tulo ng mga luha ko. Wala naman kasalanan ang kambal pero nadadamay sila sa galit ko.
"Ayy ang daya siya lang niyayakap ni Ate." Natawa naman ako sa pag iinarte ni Taylor kaya kinuha ko siya kay Clyde at agad na niyakap.
"Tapos na kayo mag drama nagugutom na ako." Nag sitawanan naman kame ng sumingit si Liam sa eksena.
Pag katapos namen kumain kasama ko si Taylor mag bihis. Total naka dagat naman kami parehas kaming nag maong short saka kulay yellow na bra na tinatali lang sa likod at sa batok. Sabay kaming nag lakad pabalik sa pwesto namin.
"Bakit naka ganyan kayo?" Tanong ni kuya.
"Anong gusto mong suotin namen pajama saka t-shirt? kuya naman."
"Mag t-shirt kana ate! Okay lang si Taylor kase bata pa! Ikaw dalaga na!" Isa pa to si Liam.
"Nakakainis yung mga mata ng lalaki sayo Ate!" Dumagdag pa si Tyler.
"Heh! Manahimik! hindi ako mag papalit!"
Napuno kami ng kasiyahan sabay sabay kaming lumusong sa dagat saka nag takbuhan. Maya maya pa pumunta muna ako sa pampang dahil napagod na ako tatakbo sa dagat. Sumunod naman si Clyde sakin na umupo din sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
