LHIA POV
Maaga akong sinundo ni Clyde kanina para sumabay na papuntang school. Kasabay nadin namin si Ingrid kasi natanggap siyang bagong member ng dance troupe. Kanina pa kami nakatunganga dito sa field nag hihintay sa leader namin.
"Ang tagal naman nun."
"Wala pang 10am. Yan ang aga aga mo kasi."
"Sympre para makasama kita." Agang bumanat sheeet! Sarap sakalin. "Ohh nanahimik ka kinikilig ka nanaman sakin."
"Ang kapal ng muka mo Clyde! Hindi ako kinikilig!"
"Sus halika nga dito pahiram ng suklay mo, suklayin ko nalang yang buhok mo para may magawa ako." Lumapit naman ako sa kanya saka umupo sa ibabang upuan ng inuupuan niya. "Hmmm nakakagigil talagang amuyin yung buhok mo Tasya." Hype na Clyde to! Kung alam niya lang kung gaano mag tayuan yung mga balahibo ko kada hinahalikan niya yung tuktok ng ulo ko.
"Kahit ang baho baho niyan Clyde!"
"Sus mabaho daw. Ang bango nga e." Hindi ko nalang siya pinansin at hinayaan ko nalang siyang amuyin ang buhok ko habang sinusuklay.
"Mukang nakita ko na ang babagay na mag bida sa play natin." Napaayos naman ako ng tayo ng biglang dumating ang Leader namin kasama ang ibang groupmates.
"Hi mga ka groupmates." Nahihiyang bati ko.
"Hmm Lhia at Clyde kayo yung napili ko na maging main character para sa play." Nag katinginan naman kami ni Clyde. "You look good together e, ang lakas ng chemistry niyo kaya palagay ko bagay kayo sa main character. Love story kasi yung napunta sa atin." Paliwanag ni Leader May, saka nag lakad papapunta sa garden para doon pag usapan ang lahat.
"I told you My Tasya bagay tayo."
Bulong ni Clyde saka naunang mag lakad.Baliw na lalaking yun!
INGRID POV
It's one o'clock na at ngayon palang natapos yung practice. Pakiramdam ko nabalian ako ng buto at nabugbog yung katawan ko.
Matagal nadin since nahinto ako sa pag sasayaw kaya siguro nanibago yung katawan ko. Kinuha ko yung gamit ko para pumunta sa comfort room dahil pawis na pawis na ako kaso biglang humarang si Khane sa dadaanan ko at pinunasan pa yung pawis sa noo ko.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko saka nag patuloy sa pag lalakad.
"Nag text sa akin si Clyde kanina kasama ka daw nila papuntang school kasi natanggap ka sa dance troupe, kaya sinipag ako mag luto ng pagkain para idala sayo." Tumingin muna ako sa kanya ng blangko bago nag salita.
"Antayin mo ako jan mag bibihis lang ako." Saka ko siya iniwan para pumasok ng comfort room.
Pag kalabas ko nakangiti siyang sinalubong ako. Hindi ba marunong sumimangot ang isang to?
"Tara na kain na tayo?" Tumango lang ako saka nauna lumakad papuntang cafeteria. Umorder muna siya ng maiinom namin saka umupo sa harapan ko.
"Hindi ako ganun ka sarap mag luto pero marunong akong mag luto. Sana magustuhan mo. Hmm adobong baboy yan saka caldereta." Paliwanag niya saka isa isang binubuksan yung lunch box sa harapan ko.
"Ang dami naman ng ulam mo ehh dalawa lang naman tayo?"
"Baka kasi matakaw ka kaya dinamihan ko na para hindi ka mabitin."
"Sa ganda ng katawan ko naisip mo pang matakaw ako?"
"Maganda pala yung katawan mo?"

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Novela JuvenilLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...