Chapter Twenty Eight

54 2 0
                                    

LHIA POV

Days ang lumipas simula ng mag night out kami sa condo. At hanggang ngayon ramdam ko padin yung pag babago ng isat isa.

Si Allison at Anica masyadong tumamlay samantalang si Ingrid sumobra sa init ng ulo dala siguro noong nag away sila ni Ivan after that night na nag party kami.

Maaga akong pumasok ngayon para mag practice, yes okay na ang kalagayan ko ganun din si Allison kaya makakalaro na kami mamaya. Kapag nanalo kami ngayon pasok na kami sa championship at waiting na kami para sa makakalaban namin sa finals.

"Namiss ko mag laro!" Nakangiting sabi ni Alli habang nag lalakad kami.

"Namiss ko din to. Ilang weeks din tayong nahinto pakiramdam ko tinatawag na ako ng mga bola." Nakangiting sabi ko.

"Buti nalang at maayos na ang lagay natin."

"Pero si Anica mukang hindi padin okay." Sabi ko saka tinuro si Anica na nakatulala nanaman.

"I heard na simula noong nag inom tayo sa condo mo iniwasan na talaga niya si Jared kahit na madalas mangulit sa kanya." Napailing naman ako.

"Kailangan nilang mamili at kailangang tama ang piliin nila."

Tinapik ko si Anica kaya nag angat yun ng tingin sa akin. Kita ko ang namumugtong mga mata ni Anica.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko.

"No, I'm not nahihirapan ako sobra." Malungkot niyang sabi.

"Hindi mo padin ba kinakausap?"

"Wala naman kaming dapat pag usapan."

"But you still need to clear things with him Anica." Paliwanag ni Allyson.

"Bakit ikaw nakausap mo na ba si Lynard?"

"Hindi pa." Agarang sagot ni Alli.

"Kung ikaw nahihirapan sa sitwasyon niyo mas nahihirapan ako." Bumuntong hininga ng malalim si Anica.

"Ohh nandyan na pala kayo. Tara na mag practice na tayo." Masiglang bati sa amin ni Captain Sam. "Oh Anica umiiyak ka ba? You look pale, may sakit kaba?" Halata naman ang pag kailang ni Anica dahil hindi siya makatingin sa mga mata ni Capatain.

"Okay lang po ako Captain. I can manage myself naman po."

"Yun naman pala. Tara na girls sigurado na ang panalo mamaya dahil nandyan na ang dalawa sa magagaling kong manlalaro." Ngumiti ako ng maganda kay Captain ganun din si Allison, sinulyapan ko si Anica na nakatungo padin.

Napakabait ni Samantha para pagtaksilan ng ganito. I know kung gaano kasakit maloko, ayokong kunsintihin si Anica pero ayoko din ilaglag ang sarili kong kaibigan.

Nag practice kami ng maayos naman ang lahat. At ngayon na ang simula ng game. Nandito ang mga kaibigan namin para manuorin kami.

Nanalo din ang team ng basketball kanina at sila ng Mikhail University ulit ang mag haharap para sa championship kaya naman masaya at excited ang lahat.

"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Clyde.

"Medyo lang naman. Ngayon nalang ulit ako makakaranas ng ganitong laban yung huli kasi noong highschool pa ako." Sagot ko saka nag inat ng kamay.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon