LHIA POV
Katatapos ko lang kumain at inasikaso ko na din yung mga pagkain ni Ingrid, para pag gising niya kakain nalang siya.
"Ako muna ang mag papakain sayo baby Hale, tulog pa si Mommy Ingrid." Ngumiti ako sa pusa ni Ingrid saka binigyan ng cat food.
Iniayos ko na ang bag ko pero bigla akong natigilan at halos liparin ko mula sala hanggang kwarto dahil sa sigaw ni Ingrid.
"LHIAAAAAA!!"
"Ingrid anong nangyayari?" Natatarantang sigaw ko din saka siya nilapitan.
"Lhiaaaa wala akong makita! Lhiaaa puro dilim lang ang nakikita ko, natatakot ako."
"Ingrid kumalma ka please!" Pag mamakaawa ko kasi nag wawala talaga siya at pati ako natataranta lalo dahil sa ginagawa niya.
"Lhiaaaa wala akong makita." Niyakap ko si Ingrid ng bigla siyang napaupo at umiyak.
"Ingrid!!"
Inuga uga ko pa siya para magising pero wala na talaga siyang malay kaya dali dali akong humingi ng tulong para isugod si Ingrid sa hospital.
Hindi na ako nakapasok dahil hindi ko naman maiwanan si Ingrid mag isa. Bumili nadin ako ng makakain niya para sa pag gising niya mamaya. Yumuko ako sa kama niya saka hinawakan yung kamay ng bestfriend ko.
"Lhia."
"Ingrid! Okay kana ba? Nakikita mo na ba ako??" Mariin muna siyang pumikit tapos ay tiningnan ako.
"Yan kitang kita ko na ulit yang bilog mong pag mumuka." Pang aasar niya.
"Bwisit ka! Nga pala umamin ka nga sakin hindi ka na ba nag te-take ng mga gamot mo ha!"
"Mga one month konang hininto."
"Pasaway ka talaga! Alam mo bang makakasama sayo yun!"
"Sorry, akala ko kasi kaya kona, akala ko magaling na ako."
"Stupid Ingrid! Alam kong alam nating pareho ang kalagayan mo! Paano kung natuluyan ka! Paano ang mga pangarap mo!" Hindi ko na napigilang umiyak ng maalala kung paano ako manginig sa nangyari kay Ingrid kanina.
"I'm sorry Lhia." Sabi niya saka ako niyakap. "Lhia pwedeng wag mong sabihin muna sa mga kaibigan natin ang sitwasyon ko?"
"Why?"
"You know me ayokong kinakaawaan ako, ayokong nakikita nila ang kahinaan ko."
"Hays! Sige na nga pero nasabi ko sa kanila na nandito tayo at baka p---"
"Ohhh myyy Ate Ingrid! Ang tagal nating hindi nag kita tapos hospital nanaman bonding natin!" Hindi ko pa nga tapos ang sasabihin ko at nag pasukan na ang mga kaibigan namin at agad lumapit si Alli at Anica kay Ingrid.
"I miss you." Bulong ni Clyde tapos ay hinalikan ako sa noo.
"Anica you look okay na talaga." Puri ni Ingrid kay Anica.
"Okay naman na nakakalimot na sa nangyari."
"Kamusta kayo ni Jared?"
"Kami na." Si Jared ang sumagot.
"Matagal ng kayo Jared!" Pambabara ni Ingrid.
"I mean kami na yung wala ng sabit. I already explain it kay Samantha nagalit siya pero I can't stay with her na. Beside si Anica naman na talaga ang mahal ko." Namangha akong tumingin kay Jared.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Genç KurguLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...