INGRID POV
One week yung leave na kinuha ko kaya naman kahapon palang nandito na ako sa batangas, tomorrow will be our flight papuntang Ilocos. After that night sa bar wala na akong ibang naalala bukod sa nakita ako ni Lhia. I didn't ask Lhia about what happened alam kong siya ang nag hatid at nag luto sa akin.
"Hindi talaga ako pwede sumama bukas?" Nakangusong tanong ni Ele. Nag katinginan kami ni Lhia.
"Hindi pwede. Baby, importante yung pupuntahan namin bukas."
Maraming pang uuto pa ang ginawa ni Lhia bago matulog si Eleanor, sobrang dami niyang tanong.
"Habang lumalaki si Ele lalo siyang nagiging curious sa mundong ginagalawan niya." Tiningnan ko si Lhia na mukang nahihirapan na talaga.
"At hindi mo siya kayang itago habang buhay dito sa bahay niyo."
"Anong gagawin ko? Ipadala sila ni Taylor sa america? Papayag naman si Taylor pero ayokong guluhin yung buhay ng kapatid ko dito sa pilipinas."
"Ayoko ding bumalik sa america utang na loob, kailangan ko si Khane." Binato niya ako ng unan bago humiga sa tabi ni Eleanor.
Kinabukasan, maaga kaming sinundo ni Ivan. Wala si Drake kasi may kailangan daw asikasuhin. Nahirapan pa kami pakalmahin si Ele, pero sa huli nauto din ng mga tito niya. Nasa biyahe palang kinakabahan na ako, ang tagal kong iniwasan si Khane.
Pag karating namin sa airport lalo akong kinabahan, wala naman akong ginawa bakit ba ako kinakabahan. Tss.
"Love, dito ka sa akin." Hinapit ako sa bewang ni Ivan habang natatawa.
"Siraulo! Ganap na ganap ka nanaman!"
"Ayan na Love, yung ex bebe mo." I made a fake smile ng mag tama ang tingin namin ni Khane.
Urat akong tumingin kay Stacey na nakakapit sa braso ni Khane.
"Malapit na ang flight naten." Bungad ni Anica saka yumakap sa amin.
"Naexcite ako lalo!" Bahagya pang tumalon si Allison.
"Hoy! Buntis ka diba! Kung makatalon ka naman parang walang bata sa tiyan mo!" Sita ni Lhia.
"Hahahahaha oo nga pala." Nag peace sign si Alli kay Lynard na kunot-noo na.
"Lhia! Ingrid!" Napalingon kami kay Ralph at Jax na kakadating lang.
"Hindi niyo kasama mga babies niyo?"
"Hindi e, ayaw din sumama ng mga misis namin."
After minutes nag simula na kaming bumiyahe. Katabi ko si Lhia na panay ang iwas kay Clyde. Feel ko talaga may nangyari na hindi ko alam. Hmm? Kamusta kaya sa quezon province?
Tulog lang ako buong biyahe unlike dati na puro kami kaabnormalan ni Khane, sumilip ako sa gawi nila Khane. Nakaakbay siya kay Stacey habang si gaga nakayakap sa kanya. Naiingit ako.
Hanggang sa van tahimik lang ako at minsan ay natatawa ako na parang gago, naalala ko kasi yung kamanyakan ni Khane dati.
Madilim na ng makarating kami sa isla nila Jared. Nakanguso kaming pumasok ni Lhia sa kwarto namin.
"Ang bigat sa pakiramdam ng lugar na to! Dapat hindi na tayo sumama!"
"Bakit dito niyo ba ginawa ni Eleanor?"
"Para kang gago! Sa laguna namin nabuo yung anak ko!"
"Ayy, kala ko dito hahahaha."
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
