Chapter Fifty Five

47 2 0
                                    

ANICA POV

We're here sa isang exclusive bar to celebrate Marvin's birthday. Ayaw sana sumama ni Clyde buti napilit namin. One week nadin since nakauwi siya and sobrang laki ng pinag bago niya. Lhia is not here hindi namin siya makita at ma-contact, wala rin siya sa condo niya.

"Nag aalala ako kay Lhia, okay ba kayo Clyde?" Tanong ni Allison.

"Yeah." Tipid na sagot ni Clyde.

"Edi alam mo kung nasaan siya? One week na siyang hindi napasok sa mga classes niya, I asked one of her classmate kanina. Hindi din siya umaattend ng practice." Nag aalalang sabi ni Alli.

"Okay ba talaga kayo Clyde?" Si Jared naman ang nag tanong.

"Yeah." Napaka walang kwentang kausap talaga ni Clyde. Naiwan yata yung Clyde na kaibigan namin sa states.

Nag palumbaba nalang ako saka uminom ng alak na nasa baso ko. Kakaumpisa palang ng pasukan parang ang bigat na agad. Masyado yata akong nasanay na masaya kaming mag ka-kaibigan.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Lhia, she look so wasted! May lalaki na lumapit sa kanya para silang nag tatalo, marahas na hinila nung guy ang kaibigan namin. "Shit! Si Lhia yun, right?"

Mabilis akong tumayo para puntahan si Lhia, ganun din ang mga kaibigan ko.

"Tangina naman! B-bitawan m-mo n-nga ako!" Sigaw niya habang tinutulak yung lalaki.

"Napaka arte mo naman miss."

"Pw-pwede ba-bang bit-bitawan mo nalang ako! Nasas--" Nagulat kami ng biglang suntukin ni Clyde yung lalaki.

Nasundan pa yun ng marami pang suntok kaya nag kagulo sa loob ng bar. Agad namang naalalayan ni Lucas si Lhia ng muntik na yung tumumba. Inawat nadin nila Jared si Clyde.

Dahil sa pag kakagulo nag pasiya nalang kaming sa condo ni Jared ituloy ang inuman, at doon nalang dalhin si Lhia. Kinuha ni Clyde si Lhia mula kay Lucas, siya ang nag buhat papunta sa kotse niya, kasama nila sa sasakyan si Marvin.

Kumuha ako ng malamig na towel saka bimpo at pinunas yun kay Lhia. Narinig namin ang mahihinang pag hikbi ni Lhia.

"May problema ba si Lhia, Clyde?" Iritang tanong ko.

"I don't know."

"Okay paba kayo?" Si Allison naman ang nag tanong.

"Yeah."

"Tss. Wala ka kamong kwentang kausap!" Umirap ako saka inasikaso ulit si Lhia.

"Kailangan kong makausap si Ingrid." Humihikbing sabi ni Lhia. Si Khane naman ang natigilan at napatitig kay Lhia. Nabaling ang atensyon ko ng tumunog ang phone ni Lhia mula sa sling bag na dala niya.

Ingrid is calling...

Napatitig sa akin si Khane, titig na puno ng pag asa. I answered the call at ni-loudspeaker ko.

"Lhia! Finally sinagot mo, Lhia hindi ko na alam ang gagawin ko! Fuck! Hindi padin nagigising si Ingrid." Napalunok ako. At tumingin sa mga kaibigan ko. Naririnig namin ang pag iyak ni Ivan.

"Ivan, anong nangyari kay Ate Ingrid?" Kinakabahan na tanong ko.

"Shit? Who is this? Nasaan si Lhia?"

"She's wasted. Answer me anong nangyari kay Ate Ingrid?"

"It's nothing."

Nanlumo ako ng patayin na ni Ivan ang tawag. Kinukutuban ako sa biglang pag alis ni Ate. May sakit ba siya? Malala ba?

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon