Chapter Seven

95 3 0
                                    

LHIA POV

Mag isa kong nilinis mga sugat ko sa katawan at muka bwisit na babae yun lakas mang away siya na nga nakikitikim ng boyfriend siya pa galit! Uso naba talaga sa panahon ngayon kung sino pa kabet siya pa malakas loob.

"Ate!" Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni Liam.

"Saan kaba galing Liam?"

"Teka anong nangyari sayo bakit ganyan itsura mo!" Natatarantang tanong niya pero umirap lang ako.

"Wala to may nakaaway lang ako." Mahinahong sagot ko.

"Hoy Ate kailan kapa natuto makipag away!" Sigaw nanaman niya, parang baliw mag katabi lang naman kami.

"Kanina lang."

"Ate naman e!" Pag iinarte niya.

"Wag kanang maarte babalik na ako sa Makati tinamad na ako dito!" Urat kong sabi.

"Ano kakauwi mo lang e!"

"Nakulo pa dugo ko sa mga tao dito Liam! Kapag wala kang magawa at namimiss mo ako ikaw muna ang dumalaw sakin sa Makati." Sabi ko sa kanya.

"Talaga Ate pwede?"

"Oo basta ikaw lang!" Humalik at yumakap ako sa kanya bago ako umalis ng bahay. Walang tao sa bahay bukod kay Manang at Liam ng umalis ako at wala akong pakealam kung nasaang lumaop sila nag si pagpunta.

Pag labas ko ng gate nagulat ako ng makita ko si Gelli. Bigla niya akong niyakap saka umiyak. Mahal ko talaga tong bata na to. Hindi kona siya pinag tabuyan. Niyaya ko siyang kumain muna at mag lakad lakad sa park malapit sa village at agad naman siyang pumayag.

"Ate galit kapa ba sa akin?" Madami niyang tanong

"Hindi galit si Ate sayo nabigla lang ako nung nakaraan. Sorry for making you feel na nagalit si Ate sayo ahh. Always remember na kahit anong mangyari mahal na mahal ka ni Ate Lhia." Sabi ko saka siya niyakap ng mahigpit.

"Ate sorry padin ahh. Ate namiss kita sobra, ayoko kay Ate Sheirra galit ako sa kanya Ate kasi dahil sa kanya nawala yung dating pagsasama sama natin!" Hinawi ko yung buhok niya saka inilagay sa tenga niya.

"Hayaan na natin sila promise tuwing uuwi si Ate dito palagi akong mag chachat sayo para makakapag bonding tayo. Okay ba yun?" Pag papagaan ko ng loob niya.

"Sobrang okaaaay Ate."

Pagkatapos namin kumain at mag laro sa park hinatid ko muna si Gelli sa Gate ng village nila bago ako tuluyang bumiyahe pabalik ng Makati. Mga alas syete na ng gabi ng makabalik ako ng Makati. Pero hindi muna ako dumeretcho ng condo. Dumaan ako sa bar na pinuntahan namin kagabi.

Umorder ako ng alak at pulutan na maya maya hinatid din sakin ng waiter sa pinakatuktok ng bar na to. Dun ako pumunta sa pwesto namin kagabi. Pero may place dun sa pinakagilid kung saan kitang kita ko mula sa taas yung ganda ng view ng mga ilaw sa ibaba.

Tanaw ko din ang mga bituin sa kalangitan na parang nakangiti sa akin. Nakakailang bote na ako at ramdam kong tinatamaan na ako. Sobrang shit ng buhay ko dahil sa nangyayare sa aken ngayon.

"WAAAAAAAAAAH!!! WOOOOOOOOH!!! UNIVERSE KUNG NARIRINIG MO AKO BAKIT NAMAN GANITO KATINDI YUNG PINAPARANAS MONG SAKIT SA KIN!!!" Para akong gago na sumisigaw pero Wala namang ibang tao kundi ako lang kaya okay lang na mag sisigaw ako dito.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon