Chapter Twenty Nine

50 2 0
                                    

ANICA POV

*Aaaacccccccckkk*

Napahawak ako ng mariin sa sink, nag susuka nanaman ako. Simula ng maaksidente kami nila Lhia parati na akong nakakaramdam ng hilo at pag susuka.

"Anica okay ka lang ba?" Tanong ng ka team ko na kasama ko sa rest room.

"Okay lang ako epekto siguro to ng aksidente namin." Natatawang sabi ko saka nag hilamos at nag toothbrush.

Ngayong araw na magaganap ang final game. Maaga ang practice namin ngayon pero wala padin ang mga kaibigan ko. Nasaan na kaya ang mga yun hindi sila pwedeng malate!

Nag inat ako ng kamay saka nag ayos ng sarili ko bago lumabas ng rest room. Nakangiti ako ng sinalubong ko sila.

"Parang lalo kang gumaganda Anica!"

"Sus wag mo akong utuin! Wala akong piso dito!" Nag tawanan lang kami.

Iilan palang kami na nandito, wala padin si Captain. Kaya naman kumuha ako ng bola saka nag laro mag isa.

Maya maya nakaramdam nanaman ako ng pag kahilo. Nakakailang suka na ako mula kaninang pag gising ko. Kinapa ko yung sarili ko at ramdam ko ang init ng katawan ko.

Ngayon pa yata ako lalagnatin!

"Hey okay ka lang ba talaga?"

"Nahihilo ako." Luminga linga ako para hanapin sila Lhia pero wala talaga! 

"Mag pahinga ka kaya muna para may lakas ka mamaya."

"O kaya pumunta ka ng clinic."

"Siguro nga mabuti kung pumunta ako ng clinic." Aalis na sana ako pero bigla akong hinila ni Captain Sam paharap sa kanya.

Lalo akong nahilo sa sobrang lakas ng sampal na binigay niya sa akin.

Fuck!

"WALANG HIYA KA!" Para akong nabingi sa sobrang lakas ng sigaw niya saka ako sinampal ulit kaya natumba ako.

"ANONG GINAWA KONG MASAMA SAYO PARA GAGUHIN MO AKO ANICA!!!"

"Captain anong sinasabi mo?" Naiiyak kong tanong.

"Wag kang umarte na parang wala kang alam!!" Sigaw niya ulit saka binato sa akin yung mga pictures.

Isa isa ko yung tiningnan at halos lumubog ako sa sahig ng gym sa kahihiyan.

Mga pictures namin yun ni Jared. Sa mall, sa hotel, sa condo niya, sa mga tagong lugar ng school!

Shit!

Hindi ko na napigilan yung mga luha na tuloy tuloy umagos sa mga mata ko.

"Captain let me explain."

"Explain what Anica? Anong ipapaliwanag mo! Anong idadahilan mo kung bakit inahas mo yung boyfriend ko!" Sigaw nanaman niya saka ako pinag babato ng mga bola ng volleyball.

Ramdam ko ang sakit at ang galit ni Samantha sa bawat pag tama ng mga bola sa akin. Nilapitan niya ako saka sinampal ulit at pinag sasabunutan.

"Ang kapal kapal ng muka mo! Bakit mo nagawa to Anica! Bakit ha! Anong ginawa kong mali sayo!!!"

Nakakaramdam na ako ng panghihina pero hindi padin ako lumalaban hinahayaan ko si Samantha na saktan ako kasi alam kong deserve ko lahat ng to.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon