LHIA POV
Naramdaman ko ang pamamanhid ng binti ko. Pati buong katawan ko nanakit, dahan dahan akong nag mulat ng mata ko. I saw white ceiling, hospital nanaman! I close my eyes once again and remembering what happen.
"Shit! Nasaan si Clyde?" Napaupo ako ng maalala ko ang nangyari kay Clyde. "Nasaan si Clyde? Si Ingrid nasaan? Nasaan sila?" Natataranta kong sigaw habang umiiyak.
"Shhh Ate kumalma ka!"
"Dammit Liam! Paano ako kakalma? Nasaan sila?" Hinawakan ni Liam ang kamay ko.
"Ate please kumalma ka muna, ako nane-nerbyos sayo!" I took a deap breath bago ako kumalma. "Yan ganyan! Nakakaba ka! Alam mo bang wala pa akong tulog! Kakaidlip ko lang tapos nag sisigaw ka jan!"
"Where's Clyde? Please tell me nasaan si Clyde?"
"Nasa kabilang room mo lang si Ate Ingrid hindi pa din nagigising, nasa Makati Hospital si kuya Clyde at Ate Allison."
"Allison? Bakit anong nangyari kay Allison?" Ang alam ko naiwan si Alli sa island nila Jared.
"Coma si Ate Allison ngayon kagaya ni Kuya Clyde."
"What? Si Ingrid kamusta si Ingrid?" Parehas kaming natigilan ni Liam ng bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Lance.
"Kuya help me! Samahan mo ako sa kwarto ni Ingrid." Pag mamakaawa ko.
"I'll talk to your nurse muna Lhia! Napuruhan ka din!" Halata ang galit sa mata ni Kuya Lance.
"How's Ingrid Kuya??"
"She's okay pero yung mata niya hindi, kailangan na niyang pumunta sa ibang bansa para mag paopera Lhia! Hindi na tumatalab ang meds niya pati ang laser hindi nadin, patuloy na sa pag labo ang mata niya hanggang sa wala na talaga siyang makita." Hindi ko na napigilan ang mga luha sa mata ko. Tatlo sa mga kaibigan ko ang malala ang kondisyon ngayon!
"Si Olivia? Nasaan ang baliw na yun?" Muling nabuhay ang galit ko sa gagong babae na yun!
"Nakakulong na siya ngayon."
"She deserve death Kuya!" Umiiyak na sabi ko.
Nilapitan ako ni Kuya saka niyakap ng mahigpit, lumapit nadin si Liam at nakisali sa yakapan namin.
"Mga anak." Lumingon kami kay Daddy na nasa pintuan. "Gising na si Ingrid."
Tinawag ni Kuya Lance yung nurse ko para alalayan ako, pag kapasok namin sa kwarto ni Ingrid nakatulala lang sa kawalan ang kaibigan ko. Binuhat naman ako ni Kuya para maiupo sa gilid ng kama ni Ingrid.
Hindi padin ako makalakad dahil sa tama ko sa binti. "Ingrid." I called her.
"Lhia is that you?"
"Yeah. You can't see me ba?"
"Aninag nalang ang nakikita ko Lhia." I hug her. Naramdaman kong yumakap siya pabalik saka siniksik ang muka sa leeg ko at doon umiyak.
"Aalis muna kami anak, para makapag usap kayo." I just nodded my head kay Dad.
"Bibilhan nalang namin kayo ng pag kain, babalik kami ni Liam mamaya."
Pag kalabas nila agad kong hinarap sa akin si Ingrid.
"Kailangan mo na tong sabihin kay Khane."
"Ayokong malaman niya Lhia natatakot ako."
"Ingrid naman! Hindi pwedeng ilihim mo to! Boyfriend mo si Khane, may karapatan siyang malaman!"
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Fiksi RemajaLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
