INGRID POV
"Mas maganda to!"
"Sira ba yang mga mata mo! Hindi mo ba nakikita na mas maganda to!"
"Hindi naman para sa bata yung gaganapin!"
"Mas maganda padin to!"
"Hindi eto talaga mas maganda!"
Kanina pa ako naririndi sa mga taong to! Isang linggo kona halos nakakasama ang mga kaibigan ni Lhia sa Windsor. Nag papatulong ako sa kanila para sa surprise debut na pinaplano ko for Lhia.
Oo yun yung dahilan kaya ako nandito at hindi pa nag papakita kay Lhia.
Kuya Lance ask for my help dahil alam niyang kilala ko si Lhia mula ulo hanggang paa. At sympre humingi nadin ako ng tulong sa mga taong nakakasama niya ngayon. Minsan naiisip ko parang mali yung ginawa ko.
Isang linggo na nilang winawasak ang tenga ko.
"Hindi naman kasi ganun ka girly si Lhia kaya dapat eto nalang."
"Ano kaba dapat girly kase debut yun eh!"
"Children! Pwede ba manahimik kayo rinding rindi na ako sa ingay niyo."
"Sorry na Ate Ingrid to kasing mga to napakaingay." Ate talaga kase mas ahead ako ng isang taon sa kanila at halata namang mas matured ako mag isip sa mga to!
"Alexy oh maiinom para naman maging cool ka na. Ramdam na ramdam ko ang init mo e."
"Pwede ba Jax tantanan mo ako kaka Alexy mo!!" Naiiritang sabi ko saka uminom sa dala dala niya. "Saka nasaan naba yang Clyde na yan! Isang linggo na siyang Indian sa pag kikita ahh, pag yan wala pa ngayon mapapatay kita Khane."
"Miss Nobody naman bat nadamay ako?"
"Isa kapa tantanan mo yang Miss Nobody na yan! Ingrid ang pangalan ko!"
"Nobody pag papakilala mo saken e." Inosenteng sagot niya.
"Hi guys! Sorry kung nalate ako."
"Captain!"
"So ikaw si Clyde?"
"Yes ako nga Miss Fortes." Hindi ko alam pero namumukaan ko ang lalaking to.
"Boyfriend mo ba ang kaibigan ko!"
"Ano? San mo naman yan nabalitaan binibini hahaha."
"Wag mo akong tawanan!"
"Kalma hindi ko girlfriend ang kaibigan mo, malapit lang kami sa isa't isa pero hindi ko siya girlfriend." Automatic na nandilim ang paningin ko kay Khane.
"Sinungaling kang lalaki ka!"
"Binibiro lang naman kita masyado ka kasing seryoso." Natatawang paliwanag niya. Napahinga nalang ako ng malalim.
"Dahil kumpleto na tayo pwede na tayong umalis marami pa tayong aasikasuhin."
"Pero Ingrid saglit lang akong sasama sa inyo may mahalaga kasi kaming usapan ni Tasya este ni Lhia mamaya."
"Mahalaga pa kaysa sa plano para sa debut niya?" Mataray na tanong ko.
"Sobrang halaga."
"Ikaw bahala. Tara na."
LHIA POV
Kanina pa ako nag aantay sa parking lot pero hindi pa nadating si Clyde. Nasaan kaya yun. Umupo muna ako saglit saka tenext ulit si Clyde. Maya maya pa dumating na siya.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...