Chapter Twenty Four

59 2 0
                                    

LHIA POV

Puting kisame ang bumungad sa akin ng imulat ko ang mata ko. Nasa hospital ako.

Biglang sumakit yung ulo ko kaya napahawak ako dito. Pilit pumapasok sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nandito.

"Arghhh!"

"Tasya are you okay?" Agad akong natigilan ng makita ko si Clyde na nakaupo sa gilid ng kama ko at nakahawak sa kamay ko.

Agad kong kinuha yung kamay ko sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko.

"Nag babantay sayo."

"Hindi kita kailangan dito Clyde." Walang ibang tao sa kwarto ko kundi si Clyde lang.

"Tasya I'm sorry." Tasya na ako ulit ngayon.

"Wala kang dapat ika sorry tama ka naman walang meron sa atin kaya dapat hindi ako nag iinarte na parang meron." Seryosong sagot ko sa kanya.

"Tasya pakinggan mo muna ako please."

"Clyde malinaw na sa akin lahat. Wag kang mag alala hindi naman ako mag hahabol o manggugulo sayo." Malamig kong sabi, ayoko siyang nasa paligid ko nasasaktan at naiinis ako.

"Oh Lhia! Buti naman gising kana!" Agad akong niyakap ni Allison kasunod ni Anica. At nag datingan na ang lahat ng kaibigan ko.

"Lhia aksidente nga ba yung pag kakahulog mo? Hindi kasi ako naniniwala sa pinalabas ng school. Ayan sabi nila na aksidente daw ang nangyari." Aksidente? May tumulak sa akin hindi ako nakaaksidente.

"Hindi totoo yan! Hindi dapat sila nag lalabas ng statement na ganyan ng hindi man lang nakukuha ang paliwanag ko! Nakakaloko na talaga sila!" Naiinis na ako sa school namin!!

"Ano ba kasi talaga ang nangyari?" Tanong ni Ingrid.

"Pagkatapos kong tumulong sa booth may narecieve akong text ang pakilala sa text si Marvin daw siya at pinapapunta ako sa auditorium room." Pag sisimula ko sa kwento.

"Imposible yan Lhia kasi mag kakasama kami nila Khane kahapon hanggang sa may nag balita na nahulog ka nga daw." Paliwanag ni Marvin.

"Alam ko Marvin na hindi ikaw yun. Pumunta ako dun tapos walang tao palabas na sana ako pero tumunog yung piano sa may itaas kaya umakyat ako, akala ko andun ka. Pero pag dating ko dun walang tao."

Hindi kona mapigilang umiyak nanginginig padin ako sa takot.

"Nung makita ko na walang tao nag pasiya akong bumaba na kasi natatakot nadin ako. Tapos nung pababa na ako biglang may tumulak sakin. Siya yun! Yung babae na sinasabi ko sa inyo. Nakita ko siya bago ako mawalan ng malay."

"Kumalma ka wag kang umiyak!" Sita ni Ingrid saka ako pinainom ng tubig.

"Hindi tama yung ginawa ng school lahat nalang puro aksidente sa kanila!"

"Hanggat wala tayong ideya kung sino ang babaeng yun wala tayong laban." Singit ni Khane.

"Ako merong ideya." Sabay sabay silang tumingin at nag aantay ng sagot ko.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon