LHIA POV
Nag simula na ang second quarter, tahimik lang kami ni Ingrid na nanunuod hindi muna pinag laro si Khane at Jax kasi nasisiguro ng lahat na mag kakagulo ulit.
"GOOOO WINDSOOORRRR!"
"GOOOO MIKHAAAAAILLL!"
Nakakabingi ang ingay ng mga estudyante. Si Clyde ang may hawak ng bola, mahigpit siyang binabantayan ni Christ.
Captain to Captain!
Pero sa kabila ng higpit ng pag kakabantay sa kanya, nagawa pading lusutan ni Clyde yun.
"That's my Captain!" Mahinang bulong ko pero mukang narinig ni Ingrid kasi inirapan niya ako.
"Tsk! Label muna, that's my captain hindi mo naman pag aari!" Inismiran ko naman si Ingrid.
Sama talaga ng ugali niya!
Bumalik na ulit ang atensyon ko sa laro, mabilis na nalusutan ni Clyde ang ibang humarang sa kanya at buong pwersang dumakdak sa ring.
Agad akong napangiti pero napansin ko ang hindi maipintang muka ni Clyde ng malakas siyang bumagsak mula sa ring. Nakatayo naman siya pero may hindi tama!
Nag patuloy ang laban pero pansin ko ang pagiging mailap ni Clyde sa mga kalaban. Pakiramdam ko may nararamdaman siyang masakit sa katawan niya.
25-29! Apat ang lamang namin.
Hawak na ulit ni Clyde ang bola. Hindi na katulad kanina ang kilos niya at wala nadin ang ngiti sa muka niya. Bagay na pinag aalala ko.
Anong nangyayari sayo Clyde!
Naramdaman yata ni Christ ang plano ni Clyde na dumakdak muli kaya naman sinabayan niya ang pag talon ni Clyde at sinupalpal ang bola.
Bumagsak si Clyde. Akala namin okay lang siya pero lumipas ang segundo at hindi padin siya tumatayo! Shit!
"ARGHHHHH!" Malakas na daing ni Clyde kaya napatayo ako at lumapit kay coach.
Tumawag ng time out si coach. Inalalayan ng team si Clyde at agad akong lumapit ng makaupo na si Clyde.
"Clyde are you okay?"
"Oo nandito kana eh." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Tsk! Uminom ka muna ng tubig." Kagaya ng palagi kong ginagawa pinunasan ko yung pawis niya.
"Ano ba talagang nangyari?" Tanong ng medic assistant kay Clyde.
"Yung pilay ko sa paa naramdaman kong kumirot."
Agad tinanggal yung sapatos niya at pati ako nagulat ng makita kong gaano na kamaga ang paa ni Clyde.
"Kaya mo pa ba mag laro?" Nag aalalang tanong ko.
"Kaya ko pa Tasya."
"Pero namamaga ang paa mo!" Hinawakan ni Clyde yung kamay ko pero hindi nawala ang pag aalala ko.
"Bilang kapitan ng team Tasya hindi ko sila pwedeng iwan. Maga lang naman to. I'll be okay Tasya." Ngitinian pa niya ako.
"Sa third quarter kana mag laro! Mag pahinga kana muna!"
"Pero Ta----"
"Mag papahinga ka!" Mariing sabi ko.
"Mukang tama si Lhia, mag pahinga ka muna Clyde, kailangan ang lakas mo para mamaya." Pag sang ayon sa akin ni Coach.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...