Chapter Forty Eight

43 2 0
                                    

LHIA POV

Isang linggo na ang lumipas simula ng mangyari yun, nagiging okay nadin si Ingrid at bumalik na ulit sa normal ang mata niya. Isang linggo ko nadin palang iniiwasan si Clyde. Palagi kong sinasabi na busy ako medyo totoo naman.

Hindi nadin kami nag kakasama mga mag kakaibigan dahil sa dami ng ginagawa. Natapos na ang last class ko, inaayos ko muna ang gamit ko at pinauna ko lumabas ang mga kaklase ko bago ako lumabas.

Ang dami kong dalang books na hiniram ko sa library dahil sa research na gagawin ko. Medyo nahirapan ako mag dala. Buti nalang pag labas ko nakasalubong ko yung classmate ko last sem si Paulo.

"Hey Lhia, tulungan na kita." Hindi pa ako umoo kinuha na niya sa akin yung ibang books ko.

"Mas okay siguro kung ako na ang mag dadala." Natigilan ako ng marinig ang malamig na boses ni Clyde.

"Clyde." Inis na kinuha ni Clyde ang libro ko kay Paulo.

"Mauuna na ako Lhia, na---"

"You don't need pa na mag paalam sa girlfriend ko." Napakamot sa ulo si Paulo, naiilang siyang ngumiti sa akin.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko saka naunang mag lakad.

"Tasya okay paba tayo?"

"Okay naman." Patuloy lang ako sa pag lalakad.

Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa tumapat na kami sa condo ko.

"Clyde mag hiwalay na tayo." Malamig kong sabi.

"What? Kung makikipag hiwalay ka dahil sa pamilya ko, hindi ako papayag Tasya!" Hinarap ako ni Clyde hinaplos niya yung muka ko pero iniiwasan kong tumingin sa mga mata niya.

"Clyde look hindi tayo magiging masaya kung palagi nila tayong huhusgahan, ayokong lumayo ang loob mo sa pamilya mo Clyde, tapusin na naten to." Niyakap ako ng mahigpit ni Clyde pero nanatili akong matigas.

"Ayoko Tasya! Baby ayoko!" Humigpit lalo yung yakap niya pero nilabanan ko yun ng pag tulak sa kanya.

"Clyde please hindi ko na kaya yung mga sinasabi nila sa akin. Tingnan mo palagi akong napapaaway, palagi akong nasasaktan, ayoko na Clyde gusto kona ng tahimik at maayos na buhay."

"Tasya you promised right? Ang sabi mo kahit anong mangyari hanggat nasa tabi mo ako hindi mo ako iiwan! Sabi mo kakayanin natin lahat!!" Ngarag na ang boses ni Clyde. Nadudurog ako sa pag iyak niya pero para din naman sa ikatatahimik namin ang gagawin ko.

"Please Clyde irespeto mo nalang yung desisyon ko."

"Akala ko ba mahal mo ako?" Sinubukan ko siyang tingnan, nasasaktan ako way ng pag iyak niya.

"Mahal lang kita hindi mahal na mahal, kaya Clyde please lubayan mo na ako, itigil na naten to." Marahan ko siyang tinulak saka nag mamadali akong lumabas sa kotse niya.

Naramdaman kong lumabas din siya kaya tumakbo ako agad para makapasok sa building ng condo ko. Agad bumuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilan nang makapasok ako sa loob ng elevator.

Pag karating ko sa condo ko agad akong pumasok sa kwarto at doon ako umiyak ng umiyak. Nasasaktan ako! Nasasaktan ako na nasasaktan ko siya at nasasaktan ako para sa sarili ko.

INGRID POV

Maaga natapos ang klase ko kaya naman naisipan kong puntahan si Khane habang nag te-training. Bumili ako ng energy drink. Wow Ingrid sweet kana pala ngayon?

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon