LHIA POV
Sunday ngayon at wala man lang lakad na naganap, kanina pa kami nag titigan ni Ingrid nauumay na ako sa kanya.
Ala sais na ng gabi ng biglang may nag door bell kaya nag katitigan ulit kami ni Ingrid.
"Ikaw na ang mag bukas tinatamad ako." Sabi ko saka humiga sa kama.
"Bakit ako! Mamaya bisita mo yun!"
"Dali na Ingrid tinatamad akong lumabas ng kwarto." Wala din naman siyang nagawa kaya siya na ang nag bukas ng pinto.
"Anong ginagawa mo dito!" Rinig kong sigaw ni Ingrid. "Bakit hinayaan niyong makapunta dito ang lalaking to! Amoy alak pa!"
"Pasensya na Ma'am sinubukan naming pigilan pero sobrang nag wawala po talaga siya."
"LHIAAAAA KAUSAPIN MO AKO!" Bumigat yung pag hinga ko ng marinig ko yung boses ni Rhys kaya lumabas na ako para puntahan sila.
"Sir wag po kay-----"
"Okay lang kuya kilala ko siya, pwede kana umalis." Sabi ko dun sa guard na humaharang kay Rhys.
"Lhia kausapin mo ako." Amoy na amoy ko yung alak sa katawan ni Rhys.
"Pumasok ka na nakakahiya sa mga tao."
"Anong papasukin Lhia pauwiin mo ang lalaking yan nandidilim paningin ko sa taong yan baka mapatay ko yan."
"Ingrid naman mamaya mapano pa to kapag pinalayas ko to dito."
"Ayy concern na concern ka mahal mo pa?"
"Ingrid naman! Kargado ko pa to kapag napahamak to!" Inalalayan ko si Rhys para makapasok saka ko siya inupo sa sofa bago ko inasikaso.
Padabog namang pumasok si Ingrid sa kwarto pabagsak pa na sinara ang pinto. Lokong yun baka nakakalimutan niyang pinto ko yun baliw talaga!
"Lhia." Tawag ni Rhys saka marahan na hinaplos ang pisngi ko habang titig na titig sa akin.
Agad ko namang tinabig yung kamay niya saka ko pinag patuloy ang ang pag pupunas sa kanya para mahimasmasan siya.
"Lhia may iba na ba?"
"Rhys kung meron naman na, wala ka naman dapat sigurong pakealam dun ang tagal na nating hiwalay."
"Hindi mo naba ako mapapatawad?"
"Napatawad na kita Rhys pero hindi ibig sabihin nun babalik pa ako sayo. Pinalaya na kita para magawa mo yung gusto mo. Tama na siguro yun."
"Lhia please bigyan mo pa ako ng isa pang chance hindi ko na yun sasayangin please Lhia nag mamakaawa ako sayo." Naawa ako sa way ng pag iyak niya pero wala na akong nararamdamang pag mamahal sa kanya.
At oo si Clyde ang dahilan kaya wala na akong maramdaman kay Rhys.
"Please Rhys tanggapin mo nalang na hanggang doon nalang tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at sinubukan akong halikan pero agad akong lumayo. "Dito kana mag palipas ng gabi bukas ng umaga umuwi kana agad." Huli kong sinabi bago ko siya iniwan sa sofa saka pumunta sa kwarto para suyuin ang magaling kong kaibigan.
KHANE POV
Hindi ko alam kung anong nangyayari kay captain pero kanina pa siya balisa saka ang init ng ulo daig pa babae na may dalaw! Nandito kami sa bar pero hindi sa bar na pag mamay ari niya na palagi namin pinag tatambayan. Mas malayo pa ng konti ang bar na to.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
JugendliteraturLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...