Chapter Nineteen

61 2 0
                                    

LHIA POV

Natapos nadin ang mga exams samin. Lahat kami nabusy sa school works and practice ilang araw kona ding hindi nakakasama si Clyde kasi hindi ko siya mabisita sa bahay nila.

Nag decide kasi ang mama niya na sa bahay na siya mag pahinga kaysa sa hospital kaya puro tawag tawag lang kami.

Ngayon ang araw ng play namin at kabadong kabado ako kasi ang dami daming manunuod. Muka akong prinsesa talaga sa old fashion na dress na suot suot ko. I looked like a prinsess sa makalumang panahon.

"Mas maganda ka sana kung ako ang prinsipe mo." Nanlaki agad ang mata ko ng makita ko si Clyde sakay sa wheelchair niya.

"CLYDEEEEE!" Sigaw ko saka siya niyakap ng mahigpit.

"Miss na miss mo ako Tasya?" Ngumiti ako sa kanya saka siya hinalikan sa noo.

"Sobrang namiss kita." Siya naman ang yumakap ng mahigpit sa akin ngayon.

"Buti naman nakapunta ka."

"Hindi ko kayang palampasin ang play ng prinsesa ko." Pakiramdam ko namumula ako dahil sa sinabi niya.

"Tama na yang kaharutan niyo mag sisimula na ang play!" Sigaw ni Ingrid kaya sabay kaming tumawa ni Clyde ng malakas.

Kumpleto ang buong kaibigan ko kasama din sila Jax, Ralph and Lynard na nanuod ng play ko nag dala pa ng banner ang mga lalaki kahit kailan talaga mga loko loko e!  hahaha.

Nairaos namin ng maayos ang play at kami ang nakakuha ng pinaka mataas na grade. Tinanggal nadin namin ang tali tali na eksena kasi natakot kami na baka may maaksidente pa.

Pag katapos ng play nag paalam ako sa kanila na may kakausapin lang ako kaya nauna na sila sa akin sa cafeteria.

"Ma'am maniwala kayo sakin hindi aksidente yung nangyari! Nakita ko mismo yung babaeng nag hagis ng paso at humila ng tali para maaksidente si Khane at Clyde!"

"Iha pwede ba umalis ka na lang dito,  aksidente ang nangyari wag mo ng palakihin ang issue!"

"Wag palakihin ang issue Ma'am buhay ng parehas kong kaibigan ang muntik manganib tapos wag palakihin ang issue!" Hindi kona napigilang mag taas ng boses.

"Wag mo akong tinataasan ng boses Ms. Montreal!"

"Sisiguraduhin kong malalaman ko kung sino ang may gawa nun! At kapag nalaman kong pinagtatakpan mo ang taong yun hindi ako mag dadalawang isip na mapatalsik ka sa school na to at mawalan na ng trabaho habang buhay!" Pag babanta ko saka lumabas ng office niya.

"Aaarghhh bwisit mga walang kwenta!"

Sigaw ko saka sinipa yung trash bin sa gilid ko. Mahuli ko talaga yung bwisit na babae na yun kakalbuhin ko siya!! 

INGRID POV

After namin kumain nag hiwa hiwalay na kami para mag kanya kanyang practice. Wala naman bago sa pag papractice sumakit lang ulit katawan ko.

Coach namin hataw na hataw amp! Dika marunong mapagod sis? Naglibot muna ako sa school napakalaki ng school na to. Ilang beses na ako nag papabalik balik dito pero hindi ko pa nalilibot nang buo.

Isang babaeng nakatago sa may puno ang nakaagaw ng pansin ko. Base sa uniform niya, she's also a students ng windsor.

May hawak siyang camera at ng sundan ko ng tingin kung sino ang kinukuhaan niya ng picture.

"Shit!" Mura ko ng makitang si Jared at Anica ang kinukuhaan niya ng picture. Tahimik akong nag lakad papunta sa likod niya.

"Burahin mo lahat ng picture nilang dalawa!" Gulat na gulat na lumingon sakin yung babae. Tatakbo sana siya pero hinila ko siya sa braso saka tinulak para matumba.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon