LHIA POV
Nakatingin ako ng malalim sa lalaking ika-17 na isasayaw ako nakakaramdam ako ng kakaiba sa unti unti niyang pag lapit sa akin. Kasabay ng mabagal na kanta para bang ang bagal din ng pag lapit niya.
Agad akong napangiti ng maamoy ko ang pamilyar na pabango niya. Napakaganda ng mga ngiti niya. Kanina ko pa siya hinahanap at ngayon nasa harapan kona siya.
"Malayo ka palang alam kong ikaw na yan." Hinawakan niya ako sa bewang at nilagay ko naman ang mga kamay ko sa balikat niya.
"Hindi na ako mag tatanggal ng maskara nandito si Rhys ayokong masira ang kaarawan mo." Hinawakan ko yung muka niya at marahan na hinimas.
"Namiss kita Clyde. Napapraning ako na baka kung ano ng nangyari kaya bigla kang nag iba ng pakikitungo sa aken."
"Mas namiss kita ng sobra sobra Tasya. Takot lang kasi ako na mabatukan ni Ingrid kapag nilabag ko yung plano niya."
"Aisssh yung babaeng yun talaga!"
"Nagtatampo kapa ba? Nababaliw ako kakaisip na baka umiiyak kana dahil sa mga ginagawa namin. Ilang beses kita sinubok lapitan pero pinigilan ko." Natatawang paliwanag niya.
"Wala naman akong dahilan para mag tampo. Namiss talaga kita."
"Hahahaha."
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
"Hahahaha wala naman ang cute mo lang kasi. Namiss ko yang muka na yan."
"Sus namiss daw."
"Ayaw pa maniwala."
"Joke lang naniniwala ako." Niyakap ako ni Clyde ng mahigpit habang nag sasayaw kaming dalawa. Ginantihan ko din siya ng mahigpit na yakap.
Ayoko ng nararamdaman ko para kay Clyde kahit hindi pa ako sigurado. Pero hindi ko mapigilan na maramdaman to sa kanya. Hindi ko mapigilan na mahulog sa lalaking kayakap ko ngayon.
"Masyado na akong napasarap ng yakap sayo Tasya baka nababagot na ang huling mag sasayaw sayo." Hinalikan ako ni Clyde sa noo bago ako iniwan.
Maya maya pa nag lakad papalapit sa akin ang lalaking hindi ko inaasahan na nandirito.
Daddy.
Mahina kong bulong sa aking sarili.
"Happy birthday Princess." Nag unahan ang mga luha ko na tumulo pag katapos ng ilang taon, ngayon nalang niya akong tinawag na Prinsesa. Nanghihina na yung tuhod ko sa sobrang panginginig.
"Daddy." Niyakap ako ni Daddy ng mahigpit saka inabot yung malaking sunflower na hawak niya. Siya lang yung naiibang bulaklak lahat sila pulang rosas pero si Daddy sunflower.
"Naalala ko pa nung bata ka tuwang tuwa ka tuwing may pasalubong ako na ganyang bulaklak. I know how much you love that flower Princess."
"Hindi ko alam kung san ako mag sisimula but I want to say sorry Princess for making you feel na hindi na kita mahal. God knows Lhia kung gaano ako nanabik sayo. Palagi kong sinusubukan na lapitan ka pero nahihiya ako anak dahil sa mga nagawa ko. Everytime na nakikita kitang umiiyak para akong dinudurog gusto kitang patahanin but everytime na maalala ko na ako ang dahilan kung bakit umiiyak ang prinsesa ko nawawalan ako ng lakas lumapit."
"Natatandaan mo pa ba yung mga regalo na palagi mong natatanggap yung dahilan ng pag tatalo niyo ni Rhys kase inaasar ka ni Liam na galing yun sa secret admirer mo?"

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...