INGRID POV
It's twelve o'clock pero gising padin ang diwa ko. I know na masama sa buntis ang pag pupuyat kaso hindi talaga ako makatulog. Tiningnan ko si Eleanor na ang himbing na ang tulog, si Lhia andun sa kwarto ni Clyde, pinatulog lang yung anak niya! Speaking of Clyde, ghaaad! I'm craving for ube cake.
Umupo ako tapos napakagat labi pa ako nang maalala yung lasa nung ube cake, I'm carving, fuck! "Baby naman e wag mo namang torturin si Mommy madaling araw na." I whispered to myself while I'm caressing my tummy.
Napabuntong hininga nalang ako kasi lalo akong natakam sa ube cake, tumayo ako sa higaan ko saka kumatok sa kwarto nila Lhia. Tumagal ako kakatok, ano pagod na pagod tagal gumising.
"What the hell, Ingrid! Ang lakas mo kumatok!" Iritang sabi ni Lhia, suot niya yung shirt ni Clyde, magulo pa ang buhok at halatang kakatulog lang.
"I want ube cake." Parang batang sabi ko.
"Ano? Seryoso kaba? Bukas nalang!"
"No! Gusto ko ngayon na! Gusto ko yung gawa ni Clyde." Pag mamaktol ko.
"Tangina, Ingrid! Pag lulutuin mo ng ube cake si Clyde ngayon?"
"I want it, Lhia! Pakiramdam ko mamatay ako pag hindi ako nakakain." I pouted. Shit, natatakam ako lalo.
Huminga ng malalim si Lhia saka ako pinapasok sa kwarto nila, kinuha niya yung bra niyang nakakalat saka tinabi yun.
"Clyde! Baby, wake up!" Nakatitig lang ako sa kanila habang ginigising niya si Clyde. "Clyde! Gising." Hinila ni Clyde yung kamay ni Lhia saka niyakap.
"I'm still sleepy, baby."
"Tsk! You need to wake up! Ingrid wants you to bake an ube cake." Gulat na dumilat si Clyde, tumingin kay Lhia saka sumulyap sa gawi ko ng maramdamang may tao.
"What? Ube cake?"
"Oo Clyde! Gusto ko ng ube cake! Lutuan mo ako ng ube cake!" Pag iinarte ko. Tumingin si Clyde sa orasan saka hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Seryoso kaba? Baka inaaswang kalang? Alasdose Ingrid! May bukas naman ahh!"
"Gusto ko ngayon! Dalian mo na! Gusto ko ng ube cake!"
"Bakit sa akin ka nag papaluto! I'm not the father of your baby!" Inis niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Bakit ako rin ba yung ama ni Eleanor? Hindi naman diba? Pero ako nag provide ng lahat ng kailangan ni Lhia noong nag lilihi yan! Para ube cake lang Clyde! Pinag dadamot mo!"
"Fuck! Sinusumbat mo ba yung ginawa mo para sa kaibigan mo!"
"Oo nanumbat ako! Tumayo kana jan, pag ako nakunan sa inis ko sayo mayayari ka ni Khane!" Iritang umupo sa kama si Clyde, habang si Lhia nag pipigil lang ng tawa.
"Shit!" Frustrated na sabi ni Clyde.
"Okay lang yan, baby! Mas malala pa jan ginawa ng anak mo kay Ingrid." Natatawang sabi ni Lhia saka pumunta ng rest room para mag asikaso.
Ganun din si Clyde nag bihis sila at ready na umalis.
"May mabibilhan kaya tayo ng ingredients?"
"I don't fucking know!" Iritang sigaw ni Clyde saka kinuha yung susi ng kotse.
Nag scroll muna ako sa social media account ko at nanuod ng video sa YouTube habang inaantay sila. Marunong naman na akong mag alaga ng baby pero mas nakakaexcite pala kapag sarili mong anak yung aalagaan mo.
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Novela JuvenilLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
