LHIA POV
"Oh break muna tayo guys!" Sigaw ni leader kaya umupo muna ako. Nandito kame sa performing room ng school para mag practice isang linggo nalang at role play na namin.
"Uminom ka muna ng tubig saka ilagay mo tong towel sa likod mo baka matuyuan ka ng pawis." Paalala ni Clyde saka umupo sa tabi ko.
"Matatapos nadin to! Nakapagreview kana ba sa mga paparating na exams mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman basic lang naman ang mga minor kaya sa major ako nag fofocus."
"Dalawa lang naman ang major ko karamihan minor pero daig pa nila major sa dami ng pinagawa sasabog na yata utak ko." Reklamo ko lumapit naman sakin si Clyde saka minasahe yung ulo ko.
"Wag kana mastress ayokong nakikita kang nasstress sa buhay mo Tasya." Bulong niya. Bwisit na to ang hilig bumulong nag tataasan ang mga balahibo ko!
"Lhia eto pala yung binago sa script mo sa dulo."
"Salamat Kyle pag aaralan ko na." Tinitigan ko yung linya ko at natatawa ako sa sobrang drama ng mga linya. "Inlove siguro yung script writer natin."
"Paano mo naman nasabi?" Takang tanong ni Clyde.
"Ang cocorny kase ng linya niya hahaha parang inlove na inlove e. I wont leave you Joseph its too late for them to stop the feeling that I have for you. I badly inlove with you." Pang gagaya ko sa linya na may kasama pang action kaya tawang tawa si Clyde sa inasta ko.
Pag katapos ng ilang minutong pag papahinga nag simula na ulit ang practice namin. Eto na yung scene na medyo delikado kasi may tali dito na lalambitinan ni Clyde kasi kunyare ayun yung way niya para makita ako kasi nilalayo na ako ng amang hari sa kanya.
"Okay na ba yung tali?"
"Oo naayos namin yan."
Saktong pag lambitin ni Clyde sa tali nung medyo mataas taas nayung napupuntahan niya. Nakita ko yung babaeng balot na balot na saan ko nga ba to nakita. Siya yung nag hagis ng paso kay Khane! Kitang kita ko kung paano niya kalasin yung higpit ng tali sa backstage.
"Princess Thaliaaaa! Do you he-----"
"CLYDEEEEEEEEEE!!!" Malakas kong sigaw ng biglang natanggal ang tali at kitang kita ko kung paano nahulog si Clyde pabagsak sa baba ng stage!
Susundan ko sana yung babaeng tumakbo kaso natataranta ako kaya si Clyde ang inuna ko.
"Clydeeeeee!" Agad na tumawag ng medics ang ibang kagrupo namin. "Clydeeeee gumising ka nga!!" Mahina kong tinapik tapik yung muka niya baka sakaling magising si Clyde pero wala pading response. Nanginginig na yung buong katawan ko.
Hindi na sa school clinic dinala si Clyde kundi sa malapit na hospital. Kinontak ko nadin ang mga kaibigan namin habang ako nanginginig na nag aantay sa pag labas ng doctor.
"Sinong kamag anak ng pasyente?" Tatayo na sana ako para sabihing ako yung kasama ni Clyde pero may nauna sakin na babae.
"I'm his mother." Para akong napako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya oh ano bang gagawin ko.
"Good afternoon Ma'am wala naman pong masyadong galos at tama si Mr. Ensler , yun nga lang matindi yung tama niya sa paa na mukang may hinampasan na matigas na bagay kaya nag karoon ng slight na fracture." Shit yung paa niya. Paano yung play, paano yung basketball? Shit shit. Natataranta na ako umiiyak na ako sa takot.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Fiksi RemajaLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...