Chapter Sixty Five

72 2 1
                                    

INGRID POV

It's been a weeks since naging okay na kami ni Khane, minsan pampam paden si Stacey pero pinag papasensyahan ko nalang. We both so busy ngayon ang daming nag kakasakit sa pilipinas, nakakastress! while Khane, he got another project bukod pa dun sa hospital na pinapagawa ko.

Nasapo ko ang noo ko saka mariing pumikit nang makaramdam ako ng pananakit ng ulo ko. Fuck! Uminom ako ng madaming tubig.

"Come in!" Sigaw ko sa kumatok sa office ko.

"Dra. Fortes yung wife po ng patient niyo kanina nag wawala sa labas."

"Oh? Aawatin ko? Security ba ako? Sa pag kakaalala ko doctor ako dito." Wala talaga ako sa wisyo para sa kanila.

"Hmm, Dra., kasi hinahanap po kayo, sinisi niya po kayo kung bakit namatay asawa niya." Ayy gago!

Inis kong binagsak yung bottled water na ininom ko saka hinilot ang sentido ko. Sinuot ko muna yung white gown bago lumabas ng office ko. Irita kong pinuntahan yung babaeng sinasabe ng nurse na to.

"Nasaan yung doktor nayun! Anong ginawa niya sa asawa ko! Ilabas niyo yung---"

"Hey prick! I'm here." I said with my cold tone.

"Ikaw! Bakit mo pinatay ang asawa ko ahh! Bakit mo pinatay!" Susugurin niya dapat ako pero nahawakan na siya ng mga guard.

"For your fucking information lang misis ahh! Yung sakit yung pumatay sa asawa mo hindi ako!" Kaimbyerna ampota!

"Doktor ka! Pero hindi mo ginawa yung tungkulin mo para mabuhay yung asawa ko! Wala kang kwenta!" Agad umakyat sa ulo ko yung dugo ko, sasampalin ko sana siya pero may kamay na umawat sa akin.... Si Lhia, tss.

"You don't have the fucking rights para i-question ang pagiging doctor ko! Punyeta ka, wala kang alam sa dinanas ko bago ako nakarating sa kinaroroonan ko ngayon!"

"Ingrid! Kumalma ka!" Bulong ni Lhia.

"Nakakaurat naman kasi! Hindi ko ginustong mamatay yung asawa mo! Kasalanan ko bang gusto na niyang pumunta sa impyerno! Sundan mo nalang para di ka nag kakaganyan!" Inis kong hinila ang braso ko kay Lhia saka bumalik sa office ko.

Kingina! Hindi naman nila alam kung gaano kalaking epekto sa pag katao ko everytime na namamatayan ako ng patient! Hindi ko ginusto yun! I chose this fucking profession to save life! Hindi para pumatay mga gago! Ang bobo!

"Hey! Ang init naman ng ulo mo! I already talk na yung babae kanina. She's okay na ngayon."

"I don't fucking care, Lhilianeth!"

"Baliw amp! Ang init ng ulo mo, para ka kamong tanga! Isang linggo kanang ganyan. May regla kaba?"

"Sinong hindi mag iinit ulo sa ganun ha! Ginusto ko ba yun ha?" Nag simula na akong yumuko sa desk ko then I'm started crying like a baby. Fuck!

"Hey! Wag kanang umiyak."

"Masakit kasi sakin yun, kapag namamatayan ako ng patient para akong dinudurog tapos makakarinig pa ako ng mga ganung salita!" Lumapit siya sa akin saka ako niyakap.

"You're okay naba? Kumain kana muna, nag dala akong food." Agad nag liwanag ang muka ko ng makita yung food na dala niya. Hindi pa pala ako kumakain.

Tahimik niyang inayos ang mga pagkain saka umupo sa may harapan ko.

"So anong plano niyo ni Clyde?" Nakwento niya sa akin yung nangyari, pero pinakiusapan niya si Clyde na bigyan siya ng time para i-explain kay Ele ang lahat.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon