Chapter Forty Seven

44 2 0
                                    

LHIA POV

Nag paalam sa akin si Clyde na may aasikasuhin lang siya after niya akong isayaw. Hindi ko nakita ang mga kaibigan ko sa table namin kaya naman pumunta ako malapit sa pool at pinag masdan ang makukulay na ilaw na galing doon.

Pag katapos kong pag masdan yun ay nag pasiya akong pumunta sa chocolate fountain, kumuha ako ng mallows saka nilantakan yung chocolate. Geez! Eto talaga favorite ko everytime may mga event na ganito hahahaha.

"Masaya ka?" Napairap ako ng biglang mag salita sa gilid ko si Nathalie.

"Sobrang masaya, sana ikaw din." Ohh bitch!

"Masaya ka sitwasyon niyong ganyan? Masaya kang nahuhusgahan nila?"

"Oo naman! Mahal ako ni Clyde e. Ikaw hindi ka nga nahuhusgahan hindi naman ikaw yung mahal." Simple kong sagot habang nakain paden ng mallows.

"Why can't you leave Clyde nalang, marami pa namang lalaki jan Lhia! Bakit kailangan sa pinsan pa ng ex mo!"

"Madami palang lalaki bakit hindi ikaw ang mamili sa kanila tapos tigilan mo na kami ni Clyde."

"Hindi ka welcome sa family nila! At hindi ka magugustuhan ng mommy niya! Sisirain mo lang ang relationship niya sa parents and relatives niya!" Ako nag titimpi lang ako pero nauurat na ako pesteng babae na to.

"Sa tingin mo ba may pake ako kung tanggapin nila ako o hindi? Obviously kasi Nathalie wala akong pake e!" Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, tumaas ang kilay ko bago muling nag salita. "Sa family ka lang niya welcome pero ako sa puso ako ni Clyde welcome, kaya if ako sayo titigilan ko na pag iilusyon na makukuha mo si Clyde." Tinalikuran ko siya para sana umalis na pero ang gaga sinabunutan ako.

"Mang aagaw kang malandi ka!"

"This is bullshit Nathalie! Wag kang gumawa ng eksena dito! Bitawan mo ako!"

Hilang hila ni Nathalie ang buhok ko at sobrang sakit na ng anit ko amp! Hinila ako ni Nathalie saka binalibag sa mga foods, nasagi ko naman yung cake kaya natumba yun. Shit! Naagaw na namin ang atensyon ng lahat ng tao.

"Ikaw kanina kapa! Gusto mo talaga ng gulo ahh!" Naiinis kong sigaw saka siya sinampal ng malakas.

Natumba siya sa pag kakasampal ko kaya naman hinila ko siya patayo gamit yung buhok niya at nginudngod ko siya sa soup sa may table. Nag pupumiglas siya pero diniin ko pa ang pag kakadiin ko sa kanya. Nang makuntento na ako ay tiningala ko siya sa akin saka ko siya sinampal ulit.

"Ubos na ubos na ang pasensya ko sayo!" Sigaw ko.

Nakabawi siya sa akin at bahagya akong tinulak. Nahawakan niya ang buhok ko kaya ang ending nag sabunutan kaming dalawa pero lugi siya kasi nasasapak ko siya.

"Stop it!" May malakas na sumigaw saka kami marahas na pinag hiwalay ni Nathalie. Sinalubong ako ng malakas na sampal ng mommy ni Clyde. Tangina ako pa nga ang sinampal.

"Hindi kana talaga nagkaroon ng kahihiyan sa sarili mo! Pati dito dinala mo ang ugaling basura mo!" Sigaw niya sa akin, nag init bigla ang ulo.

Kumukulo ang dugo ko, nanginginig ako sa galit at hindi ko na napigilan yung sarili ko kinuha ko yung bowl ng soup saka yun binuhos sa pag mumuka ng mommy ni Clyde. Saka ko yun binato kay Nathalie. Lumapit pa ako saka malakas na hinampas ang balikat ng mommy ni Clyde. Bastusan pala gusto nila!

"Mommy kalang ng boyfriend ko! Pero wala kang karapatang saktan ang prinsesa ng mga Montreal!" Malakas na sigaw ko at tila natigilan ang lahat. "Sumama ako sa punyetang party na to para pag bigyan si Clyde hindi para pakiusapan kayo na tanggapin ako kasi wala akong pakealam sa inyong lahat!"

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon