Chapter Sixteen

68 3 1
                                    

LHIA POV

Madaming araw ang lumipas at ngayon na ang final term namin. Goods naman kasi pasado naman ang buong kaibigan ko nung prelim at midterm. Wala naman bagong nangyari. Lalo pa kaming napa-palapit ni Clyde. Si Ingrid iwas na iwas kay Jax tapos si Khane naman panay pang aasar kay Ingrid.

Si Allison nililigawan padin ni Lucas at pansin din namin ang pagiging malapit ni Lynard at Alli. Si Anica ang medyo nag bago kasi madalas na siyang tahimik at tulala. Hays.

"Para sa final term niyo hindi ko kayo nirerequired na mag karoon ng exam pero mag kakaroon kayo ng role play. I will group you into two." Nagtilian ang mga kaklase ko kasi wala na kaming final exam buti naman kaya lang sympre panay ang practice panigurado dahil role play.

Matapos hatiin ang buong klase sa dalawang grupo masayang masaya kami ni Clyde kase mag ka grupo kami.

"Mga groupmates! Bukas ahh 10am ang practice natin for the play, bukas kona sasabihin kung ano ang ipeplay natin ah."

"Copy!"

"Noted!"

Agarang sagot ng mga ka groupmates ko. Sabay kaming nag lakad ni Clyde papuntang gym at nakagawian na niyang ihatid ako sa gym namin.

"Mag ingat ka sa pag lalaro Tasya ahh!"

"Ikaw din Captain mag ingat ka!" Humalik si Clyde sa noo ko bago siya tuluyang umalis.

"May pag halik sa noo? Boyfriend mo?" Gulat na gulat akong nilingon si Ingrid na nakapamewang sa likod ko.

"Kinikilig pa ako e! Panira ka naman!"

"Pwede mo ng bilisan at ng maka pag practice na kayo! Mag aantay nanaman ako ng matagal!"

"Wala namang nag sabi sayo na agahan mo ang pag punta!"

"Wala nga! Pero nag audition kasi ako, para sa bagong member ng Windsor Dance Troupe kaya kanina pa ako nandito."

"Waaaaaah nakuha ka ba???"

"Pwede mong hinaan yung bibig mo Lhia. Tomorrow padaw yung result. So I think kapag nakuha ako I need na pumunta here bukas." Sinamahan ako ni Ingrid mag bihis agad naman kaming sinalubong nila Alli at Anica ng ngiti.

Nag simula ang practice namin. Nag warm up muna kami bago kami hinati ni Captain sa dalawang grupo para mag laban. Kakampi ko si Alli samantalang si Anica naman nasa grupo nila Olivia.

Nagsimula ang laro at 5-0 ang score, wala pang score ang grupo nila Anica. At halatang halata ko din ang hindi maayos na pakikitungo ni Olivia kay Anica kahit na mag kagrupo sila.

Tumagal pa ang laban at 15-8 ang score na puro galing kay Anica ang score ng kalaban. Nakikita ko ang galit sa mga mata ni Olivia pero dapat natutuwa siya at hindi nagagalit.

Pag serve ko ng bola si Anica dapat ang makakasalo ng bola pero tinulak siya ni Olivia dahilan para matumba si Anica sa sahig.

"Kanina kapa! Ang hilig mo talagang mang akin! Ako dapat ang sasalo ng bola!"

"Nababaliw kana ba Olivia!" Hindi ko na mapigilang sumigaw kay Olivia. Hindi na tama yung ginagawa niya.

"Isa kapa! Masyado kang agaw eksena palagi!"

"Baliw kaba nakikita mo ba yung ginagawa mo! Imbes na maging masaya ka kasi nakakscore na kayo nagagalit kapa!"

"Maging masaya? Paano kung si Anica nanaman ang bida!"

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon