LHIA POV
Lalong napalapit sa akin sila Anica at Allison pati ang ibang mga player ng basketball at panay din ang iwas ko kay Clyde. Wala talaga akong balak makipag close sa kanya ayokong nalapit siya sa akin pero hindi ko alam paano ko siya dederetchahin kasi okay naman siya maganda naman pakikitungo niya sa akin kaso hindi mawala sa utak ko na kamag anak niya parin sila Rhys.
Hanggang ngayon walang nakakaalam sa kanila sa story ng buhay ko at wala din akong balak ikwento sa kanila hindi sa wala akong tiwala ayoko lang na pasukin nila ang buong pag katao ko kasi ayokong dumating sa punto na isa sa kanila gaguhin din ako.
Nakatambay kami sa gym ng volleyball katatapos lang ng practice namin kaya medyo hinihingal pa kami.
"Lhia natry mo na bang uminom, I mean mag chill chill ganun?" Tanong ni Allison.
"Oo naman Alli bakit mag yaya kaba? Oo na agad hahahaha." Natatawang sagot ko.
"So sasama ka sa amin mamaya?" Tuwang tuwang tanong ni Anica saka kumapit sa braso ko.
"Oo naman namiss ko na din mag chill saan ba tayo mamaya?"
"7pm susunduin ka namin sa condo mo. Okay?" Tumango ako sa kanila saka kami nag paalam sa isat isa.
Nag lalakad na ako palabas ng gate ng makasalubong ko si Clyde. Umasta akong walang nakita pero hinarangan niya ako.
Iba din trip ng taong to.
"Iniiwasan mo ba ako?" Nagulat pa ako dahil sa tanong niya.
"Hindi bakit naman kita iiwasan Clyde. Nag mamadali ako gusto ko ng umuwi."
"Lhia sag--" May sasabihin pa sana siya pero nag salita na ako.
"Clyde please." Hindi na niya ako pinigilan kaya nag derederetcho na ako.
Alasingko ng hapon ng magising ako kaya agad akong nag asikaso para sa pag alis namin nila Anica mamaya. Simpleng shirt at maong short lang ang suot ko tapos nag rubber shoes lang.
Saktong 7pm ng tumawag si Anica para ipaalam na nasa labas na sila kaya agad agad akong lumabas at sumakay sa kotse na dala ni Allison.
"Mag babar tayo?"
"Oo jan lang medyo malapit sa coffee shop na pinuntahan natin." Ilang minuto lang ang biniyahe namin.
Mas mukang sosyalin tong bar na to kaysa dun sa bar na pinuntahan namin ni Xylia nung birthday niya. At mas maingay yata to at matao. Saka halos mayayaman yata ang mga tao dito kaso halos hubad na yung mga pananamit nila.
Dumeretcho kami sa pinakataas ng bar kung saan open air at mas tahimik kesa sa baba. Doon ko lang din napagtanto na nandito din pala ang mga kaibigan namin.
"Kasama pala sila." Gulat na tanong ko.
"Ayy nakalimutan pala namin na sabihin sayo Lhia." Palusot ni Anica.
"Pero nandito naman na tayo kaya lets party nalang!"
Pakiramdam ko planado talaga to kasi matagal na akong natangi sa kanila bihira nalang akong sumama.
"Okay lang." sagot ko saka umupo na sa tabi ni Khane.
"Next time Jared isama mo naman sa atin si Samantha." Sabi ni Khane na sinangayunan naman ng lahat.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...