Matured content
LHIA POV
Anniversary ng resort ngayon kaya we invited our friends na mag celebrate ngayon sa quezon province, nauna kami nila Ingrid dito kagabi.
Si Jax naman malapit na daw sila, kakauwi lang nila ng wife niya galing ng new york, ngayon palang namin ma me-meet ang asawa niya.
May pasok ang mga anak namin kaya hindi sila nakasama, okay lang din para nasa barkada lang namin ang atensyon namin. Ang tagal na noong huling nag kasama sama kami ng kami kami lang.
"Hey, Ingrid help mo naman ako dito." Tinulungan ako ni Ingrid na ayusin ang mga foods na niluto namin ni Allison at Ate Ihna.
Nag pagawa din kami ni Clyde ng private rest house namin dito sa resort para kapag may okasyon o nag trip kami na pumunta dito may matutuluyan kami, medyo malayo layo to sa mismong resort namin.
Binaba ni Ingrid yung bowl na hawak niya saka sinagot yung phone niya.
"Yes, Summer? Kamusta ang mga pamangkin mo? Whaaat? Pasensya na talaga sa ugali ni Iris, hindi ko talaga malaman saan nag mana yang pagiging pasaway ng pamangkin mo!.... Sige sige, balitaan mo ako agad ahh! Salamat."
"Ano daw nangyari?" Agad na tanong ko.
"Umandar nanaman yung ugali ni Iris, nag wawala daw kanina pinag babato si Summer."
"Ewan ko ba saan nakuha yan ni Iris, si Natasha din ganyan ugali, may mali ba tayong nakain noong nag bubuntis tayo?"
"Baka may sumpa yung ube cake ni Clyde." Natawa kami parehas.
"Lhiaaa! Jax is here na!" Tawag sa akin ni Allison. Nag hugas muna ako ng kamay, sabay kaming lumabas ni Ingrid.
Parehas kaming natigilan ng makita namin ang babaeng kasama ni Jax.
"Sheirra?" Sabay naming banggit ni Ingrid, nag katinginan pa kami.
"Long time no see, Ingrid and Lhia." Nakangiti niyang bati sa amin. Wtf?
"Mag kakilala na pala kayo."
"Kilalang kilala ko siya Jax." Sarcastic na sabi ko.
"Siya pala ang napangasawa mo?" Tanong naman ni Ingrid.
"Hmmm yes, pasensya na ngayon lang kami nag pakita. Masyado kaming naging busy sa new york, saka maselan ang naging pag bubuntis niya."
"Where's your baby pala?"
"Nasa parents ko, iniwan muna namin." Nakangiti padin si Sheirra sa akin, pero hindi ako makuha ng ngiti niya.
"Omg! Sheirra, nandito kana pala!" Tumakbo si Maxine, remember the girl na nahuli kong kahalikan ni Rhys? Yung sa YFC dati, siya yung asawa ni Marvin, small world!
"It's been a long time, Max! How's Marvin?"
"Hey, nandito ako. Gwapo padin." Nakangiting lumapit si Marvin.
"Yung parehas ahas, asawa ng mga tropa natin." Bulong ni Ingrid kaya siniko ko siya.
"Si Stacey nga asawa na din ni Ivan." Bulong ko pabalik.
"Tara na! Kumain na ta--" Nahinto si Rhys sa pag sasalita ng makita si Sheirra at Maxine na mag kasama. "Ohh wow!" Natawa ako sa sinabi niya.
"Reunion ng mga babae mo, Rhys." Pinaningkitan ko ng mata si Ingrid. "Joke lang." Bawi niya saka naunang pumasok sa loob.
"Grabe, ang small talaga ng mundo." Natatawang sabi ni Rhys saka umakbay sa asawa niyang si Bella.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...