Chapter Seventy

84 2 0
                                    

LHIA POV

Habang hindi pa tapos yung bahay namin sa Makati ni Clyde, dito muna kami nag stay sa batangas, 3days na since kinasal kami at ngayon na ang labas ni Ingrid sa hospital. Nilagay ko sa frame yung picture namin ni Ingrid, tawa ako ng tawa kasi nakuhaan pala yung sumigaw siya na manganganak na siya at natataranta ako.

Pinalaki ko yun at nilagay sa picture frame. After ko ayusin yun bumaba na ako.

"Eleanor, lets go na!"

"Coming, Mommy!"

Hinatid kami ni Liam sa hospital sa makati, siya naman dumeretcho sa site.

"Mommy! Hi baby Iris!" Humalik si Eleanor sa baby saka yumakap kay Ingrid.

"Kumain kana muna, akin na muna si Iris." Binuhat ko yung baby saka pinanggigilan, kamuka ni Khane yung bata, pero yung mata, pilik-mata at kilay kuhang kuha yung kay Ingrid. "Hmm so ganda naman ng baby ko!"

"Tangina! Wag mong pisain yung anak ko!"

"Mommy Ingrid! Bad words!"

"I'm sorry baby!" Natawa ako sa kanilang dalawa kaya sinamaan ako ng tingin ni Ingrid. "Galing pala sila Anica kanina, hindi niyo na nabutan."

"May inasikaso pa kasi ako sa bahay kaya tinanghali na kami, anong oras labas niyo?"

"Hintayin lang namin makabalik yung Daddy niya."

Mag aalasais na ng dumating si Khane kasama si Clyde. Kinuha sa akin ni Khane ang anak niya kaya tinulungan ko na si Ingrid na maayos yung mga gamit niya.

"How's the resort, Clyde?" Tanong ko kasi galing siya dun.

"Everything's fine, wife."

Hinatid namin sila Ingrid sa condo, doon muna sila sa condo namin ni Ingrid dati habang hindi pa gawa yung bahay nila sa katabing village namin ni Clyde.

Sinadya talaga naming doon mag patayo para mag ka-kalapit lang kami, medyo malapit lang doon ang village nila Anica at Allison, ganun din sila Ralph, Jax, Marvin at Lucas. Hindi kami nag usap usap pero mag kakasunod lang halos ang village na nakuha namin.

"Eleanor! Tara na, ihahatid na kita sa school!" Napahawak ako sa balakang ko seven months na yung baby ko at kahapon nalaman namin na baby girl ulit.

"Lets go na, Mommy!" Medyo nahirapan pa akong kuhain yung bag ni Ele, jusko biglang laki ng tiyan ko.

"Ang big na ng little sister ko!"

"Yes, baby! At malapit nadin siyang lumabas!"

"Yehey! Dalawa na ang kapatid ko! Si Iris at yaaan!"

Hinatid ko na sa school si Ele bago ako nakipag kita kay Ingrid. Nag papatulong siya para sa binyag ni Iris.

"Hey! Sorry na-late ng konti, ang traffic e."

"Tss!"

"Napakasungit! Hindi kaba naawa sa akin! Ang laki na ng tiyan ko oh!" Kinuha ko sa kanya si Iris, 2 months palang pero ang laki na agad ang taba taba pa. "Lobong lobo na yung pisngi ng baby mo!"

"Puro dede e! Maya maya dede! Ang sakit na nga ng ano ko."

"Sus pero pag si Khane ang na-dede hindi masakit--ARAY!" Pinitik ako sa noo amp!

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon