Chapter Sixty Six

63 2 0
                                        

LHIA POV

"Mommy aalis talaga tayo bukas kasama ulit si Daddy?" Tanong ni Ele habang natalon talon pa sa kama.

"Yeah, baby." Tumalon siya sa akin saka ako hinalikan sa pisngi.

Kinuha ko lahat ng importanteng gamit namin ni Ele, gusto ni Clyde na mag inspect kame bukas sa quezon province at isama ko daw ni Eleanor. Tsk.

"Ate, can I borrow Eleanor? Mag watch lang kami."

"Okay, later bababa na ahh, malapit na mag dinner."

"Okay!"

Galing din si Rhys at Clariss dito kahapon, umiyak pa nga si Rhys amp! Akala mo siya yung tatay ni Eleanor e. Mabilis naman nilang nakuha yung loob ni Eleanor.

"Hey! I'm homeeeee!"

"Tangina, Ingrid! Papatayin mo ba ako sa gulat!" Binato ko siya ng unan, bigla bigla ba namang nasigaw.

"Arte! Where's Eleanor?"

"Nasa movie room kasama si Taylor, bakit nandito ka?" I crossed my arms tapos ay tinaasan siya ng kilay.

"Yung head ng hospital pinag pahinga muna ako, ghaaad! Ang dami kong nakakaaway ngayon sa hospital. Hindi ko alam kung bakit ang bilis kong mairita ngayon!"

"Oh? Kaya ka nandito ka? Para dito mo pairalin init ng ulo mo?" Binato niya pabalik sa akin yung unan saka bagsak na nilapag yung gamit niya sa gilid.

"Why? Ayaw mo ba na nandito ako ha?" Hindi na ako sumagot inayos ko nalang yung mga kalat saka umupo sa tabi niya. "San punta mo?" She asked while pointing on my things.

"Sama ka? Mag iinspect kami ni Clyde sa quezon bukas. Eleanor will come also."

"Sure! Sama ako! Sayang si Khane, may meeting siya bukas sa ortigas, malamang hindi yun makakasama."

"Sunod nalang siya kapag kaya pa, mag stay tayo dun ng 2days."

"Kamusta pala kayo ni Clyde?"

"We're friends!" Napakamot ako sa ulo ko ng batukan ako ni Ingrid. "Putcha! Para san yun? Ang sakit!"

"Anong friends, Lhilianeth! May anak na kayo tapos friends? Tanga kaba? Bakit hindi nalang kayo mag balikan! Halata namang mahal mo pa yun, sabihin mong hindi?"

"Hindi kona mahal si Clyde!"

"Sinungaling ka kamo! Hindi mo ako maloloko! Kita ko sa mata mo, mahal mo pa yun, balikan mo na kaya!"

"Ano bang nakain mo bakit tulak ka ng tulak sakin kay Clyde! Parang dati lang galit na galit ka ah!"

"Yung ube cake na gawa ni Clyde." Inosente niyang sabi.

"Ano?"

"You asked me kung anong nakain ko sabi ko yung ube cake na gawa ni Clyde. Nag dala kasi si Khane nun last time ang sarap!" She giggled.

"Hoy! Kailan kapa nasarapan sa ube ha!"

"Simula noong matikman ko yung gawa ni Clyde, I ask him pa nga na gumawa pa ng madami." Raulo! Pag papalit pa ako sa ube cake! Pero seryoso? Masarap din naman ako gumawa nun pero hindi niya kinakain, favoritism! 

Kinabukasan maaga akong gumising to cook food for us. Inayos ko muna ang pagkain sa lamesa bago sila ginising, si Tita at Daddy nasa korea ngayon para sa business matter. Si kuya naman bihira makabisita dahil malapit nadin manganak si Ate.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon