Chapter Forty Three

40 2 0
                                    

INGRID POV

I rolled my eyes for the nth time. Ako ang naalibadbaran sa paulit ulit na kalkal ni Lhia sa damitan niya.

"Lhia kanina kapa! Saan kaba pupunta?"

"Duh! Valentines kaya ngayon may date kami ni Clyde and hindi ko alam ang susuotin ko." Napairap ako ulit.

"Parang ngayon palang kayo mag dedate kung makapag ano ka ng susuotin mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Ehh ibang date to sympre! Saka kayo din naman ni Khane ah! Bakit hindi kapa nag aayos?"

"Ang aga pa Lhilianeth! 7pm ang usapan namin!" Nasapo ko nalang yung noo ko.

"Kahit naba!"

"Letche naging kayo lang ni Clyde naging maarte kana!" Binato ko siya ng unan saka lumabas sa veranda ng condo ni Lhia.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi ang sabi niya secret daw! Daming alam ganun din naman makikita ko din naman yun.

Naunang umalis sa akin si Lhia kaya naman pag kaalis niya, ako naman ang nag asikaso. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng condo.

Pag dating ko sa labas wala pa si Khane, bat parang ang aga ko naman yata? I texted Khane pero hindi siya nag reply.

"May lakad ka pala?" Nagulat ako sa pag sulpot ni Jax.

"Oo at ako ang kasama niya."

"Khane?" Nilingon ko si Khane na nakasimangot na. Wala siyang dalang motor?

"Yayain ko din sana si Ingrid na kumain." Nagulat ako ng hilain ako ni Khane at tinago sa likod niya.

"Her answer is no! Ako ang naunang nag yaya, so much better kung uuwi kana." Pambabara niya kay Jax.

"Bakit ba ikaw ang sumasagot hindi naman ikaw ang tinatanong ko."

"Pwede bang umuwi kana lang, sa akin sasama si Ingrid!"

"Let her de---"

"It's our night Jax, planado na namin to, kaya Khane is right umuwi kana." Sumingit na ako bago pa sila mag sapakan sa harapan ko at masira ang gabi ko.

"Ingrid naman hindi m--" May sasabihin pa sana si Jax pero pinutol na siya ni Khane.

"Respect her decision man!"

"Please Jax!" Pag ka sabi ko nun ay umalis na si Jax.

"Nasaan pala ang motor mo?" Nakakapagtaka kasing wala siyang dalang motor.

"Doon ko banda pinark, balak ko sanang sa condo ka mismo sunduin kaso yun nga si Jax naabutan ko."

"Tsk! Tara na nga."

Kagaya ng nakagawian siya ang nag suot ng helmet sa akin. At ilang minuto lang biniyahe namin ng makarating kami sa amusement park.

"Wow! Ang huling punta ko sa ganito highschool pa ako, kasama ko si Lhia." Namamanghang sabi ko. Ganun ba ako nabusy kaya hindi ko na ulit naranasang pumunta sa ganito?

"Akala ko hindi mo magugustuhan dito. Favorite place ko kasi to kaya dito kita naisipang dalhin."

Hinawakan niya yung kamay ko at patakbo niya akong hila hila papasok sa loob. Nakaramdam ako ng sobrang pag ka excite.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon