Chapter Ten

80 4 0
                                    

INGRID POV

Init na init na ako sa suot ko daig ko pa wanted sa itsura ko. May balabal ako sa ulo at nakashade ako daig kopa muslim na nag tatago dito. Napakalaki naman pala kasi ng Windsor University!

"Waaaaah!" Napatili ako nung biglang may humila sakin saka ko nakita yung bola ng volleyball na muntik ng tumama sakin.

"Ate sorry." Pag hingi pasensya nung bata na naka p.e uniform siguro highschool to at volleyball ang p.e nila.

Dinampot ko yung salamin ko na nahulog saka nilingon yung lalaking humila sa akin para mag pasalamat.

"IKAW NANAMAN!" Gulat kong sigaw ng makita yung lalaking natapunan ko ng frappe.

"Mukang nakatadhana ka yata sa akin Miss Nobody." Sabi niya saka kumindat. May mas nakakainis pa pala bukod kay Jax.

"Nababaliw kana!" Inirapan ko siya nakakainis kasi.

"Bakit kaba balot na balot, daig mo pa wanted na may tinataguan." Masama akong tumitig sa kanya bago nag salita.

"Ano bang pakealam mo!" Sigaw ko.

"Mas hot pa sa akin ang ulo mo hahaha." Nakakainis yung tawa niya.

"Base sa uniform mo estudyante ka dito?" Medyo kumalma na yung init ng ulo ko.

"Oww yes Miss Nobody." Ehh kung pakinabangan ko kaya tong ulupong nato.

"May kilala ka ba sa mga player ng volleyball dito?" Mahinahong tanong ko.

"Oo kaibigan ko mga player ng volleyball." Nice sana kilala niya si Lhia.

"Kilala mo si Lhia?"

"Oo kaibigan ko yun bakit si Lhia ba sadya mo dito? Baka kasama nun si Clyde ngayon." Napahinto ako dahil sa sinabi niya.

"Sinong Clyde?" Loka nun may hindi kinukwento sakin!

"Boyfriend niya bakit?" Pota boyfriend! Nung nakaraan lang iyak siya ng iyak dahil sa pang gagago ng pesteng Rhys na yun tapos boyfriend!

"Pinag loloko mo ba ako?"

"Hindi ahh, boyfriend nga niya yun." Seryosong sabi niya.

"Nandidilim paningin ko sayo may contact kaba sa pesteng lalaki na yun." 

"Ate kaba ni Lhia? Sa itsura mo kasi para mong kakainin si Clyde kapag nakita mo." Tiningnan pa niya ako mula ulo hanggang paa.

"Manahimik ka jan lalaki ka! Naiinis ako! At wag na wag mong masabi na nakita mo ako at nag tanong ako sayo gugupitin ko yang dila mo!" Pag babanta ko.

"Paano kung sabihin ko?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Papatayin kita!" 

"Para namang natatakot ako."  Walang pakealam na sabi niya.

"Letche basta wag mong sasabihin wag mong sirain ang plano ko! And I also need your help sa plano ko." Inabot ko sa kanya yung contact number ko. "Tawagan mo ako kapag libre ka pati ang mga kaibigan niyo maliban kay Lhia may sasabihin akong importante! Maliwanag ba?"

Nakangiti siyang tumango agad naman akong umirap saka umalis.

Bwisit na Lhia yun! Anong boyfriend boyfriend ampota! Nababaliw naba siya! Mapapatay ko yung lalaki na yun!


Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon