ANICA POV
"Jared anong ginagawa mo dito. Baka may makakita sa atin."
"Hindi kona kaya Nics kanina pa kita gustong mahawakan at malapitan!"
"Nababaliw kana ba nandito si Christ at Sam. Pati mga kaibigan naten nandito Jared!"
"Hindi tayo mahuhuli Nics!"
Nagulat ako nung pinasok ako ni Jared sa isa sa mga cubicle ng comfort room.
"Jared lasing ka lang!"
"Wag kang maingay."
"Sinasabi ko sayo pag tayo nahuli mag kakagulo!" Hindi na niya ako sinagot basta hinalikan niya ako. Nagiging mapusok nanaman kaming dalawa. Wala nadin ako sa katinuan.
Sa sobrang kalikutan naming dalawa. Na-out balance ako kaya natapilok yung paa ko.
"Aaahhhh shit!"
"Anica ikaw ba ang nandyan?" Para akong binusuhan ng malamig na tubig ng marinig ko ang boses ni Sam. Kita ko din ang takot sa mata ni Jared.
"Anica? May nangyari ba sayo?"
"Ca-captain okay lang ako." Shit! Shit!
"Ahh sige babalik na ako doon. Mukang hanap kana din nila."
Agad kong naitulak si Jared bago ako lumabas ng cubicle. Bumalik ako sa mga kaibigan ko na parang walang nangyari. Nangangatog padin ang buo kong katawan.
"Anica okay ka lang. Namumutla ka."
"Okay lang ako Alli. Mauuna na ako kailangan kong mag pahinga."
"Saan ka nanaman punta?" Pag pipigil sa akin ni Christ.
"Inaantok na ako gusto ko na mag pahinga."
"Sasama na ako sayo." Sumang ayon naman ako sa gusto niya.
Ilang oras akong nanatili sa banyo ng kwarto namin sa hotel. Hindi padin nawawala ang kaba at panginginig ko. Hindi kona kaya yung nangyayari mababaliw na yata ako.
Nang matapos ako maligo at mag patuyo ng buhok ko tumabi na ako kay Christ na sobrang himbing na ng tulog. Hinaplos ko yung muka niya saka siya hinalikan sa noo.
"Hindi ko sinasadyang ibigay sa ibang lalaki yung bagay na mula umpisa iningatan mo na." Tumalikod ako saka pinilit na makatulog.
ALLISON POV
Kanina pa ako paikot ikot dito sa kwarto pero hindi talaga ako makatulog. Buti pa si Ate Ihna ang himbing na ng tulog. Humihilik pa. Arghhh bakit ba ang hirap makatulog.
Lumabas ako ng kwarto namin saka pumunta sa terrace para tanawin ang nag kikinangan na bituin sa langit.
"Bakit gising ka pa?"
"Bakit nakita pa kita?" Balik tanong ko kay Lynard. Akala ko iibang Lynard ang kaibigan nila Kuya Jax pero si Lynard pala na punyetang nang ghost sakin. Sarap manapok.
"Baka nakatadhanang mag kita tayo ulit."
"Joke yun? Hindi kasi ako natatawa."
"Galit ka pa din ba?"
"Hindi na wala na nga akong pake sayo ngayon e."
"Sakit naman." Umarte pa siyang nasasaktan.
"Mas masakit yung ginawa mo tanga." Sabi ko saka siya inirapan. Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Inaantok na ako Lynard."

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Novela JuvenilLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...