Chapter Forty Six

42 2 0
                                        

LHIA POV

Maaga akong sinundo ni Clyde, gusto niyang sa personal make up artist nila ako ipapaayos, ngayon na ang party ng lola ni Clyde, kaya naman kanina pa ako kinakabahan. Mag kasama kami ni Clariss sa isang kwarto
habang inaayusan pero umalis saglit si Clariss.

Maya maya pa may nag bukas ang pinto at nagulat ako ng makita ang isa pa nilang pinsan. Matalim ang mga titig niya sa akin. Titig na nanghuhusga.

"Hindi ko inaasahan na sa muli nating pag kikita si Clyde na pala ang boyfriend mo."

"Asahan mo na, nangyari na eh." Pamimilosopo ko. Baka akala niya hindi ko siya papatulan!

"Hindi kaba nahihiya? Ipapakilala ka ulit sa mga kamag anak namin, but this time si Clyde naman ang boyfriend mo. Hindi kaba kinikilabutan?"

"Hindi eh, bakit ikaw kinikilabutan ka ba?" Malamig kong sabi habang nakatingin parin sa salamin.

"You know Lhilianeth maganda ka na---"

"Ohh please wag mo na akong purihin alam kong maganda ako, kaya nga minahal ako ni Rhys at Clyde." I cut her words.

"Masyado kang pilosopo! Sa tingin mo matatanggap kita o matatangap ka namin? Hindi ka namin tatangapin! Wag mong sirain ang buhay ni Clyde, mag hanap ka ng ibang lalaking lalandiin mo!"

"Yun ay kung papayag si Clyde na mag hanap ako, alam mo wala naman akong pakealam kung tanggapin niyo ako o hindi, ang mahalaga sa akin masaya kami ni Clyde. Kaya pwede ba tigilan mo ako." Mataray kong sabi.

"Ohh Ate Sophia, anong ginagawa mo dito? Bumalik kana sa kwarto mo." Pag tataboy sa kanya ni Clariss. Inis siyang tumingin sa akin pero nginisian ko lang siya, pabagsak niyang sinarado ang pinto kaya sabay kaming natawa ni Clariss.

Sky blue off shoulder long dress with beading lace and flower sequins and short sleeve backless floor length, ang gown na suot ko na gawa nila Anica. Umikot ako sa salamin habang dinadama ang suot kong gown.

They make my hair in an elegant bun and put some hair in my face, they also put some light makeup and light lippy on me. Feeling ko ang pabebe ko nga tingnan. I giggled at myself.

"You're so beautiful, baby." Papuri ni Clyde saka ako hinalikan, akala ko dampi lang pero nilaliman niya yun.

"Baby, baka masira ang ayos ko." Natatawang saway ko.

"I want to own you right now! Wag na tayong tumuloy sa party."

"Hooy! Loko loko ka talaga."

"Sobra akong naakit sayo. Wag na wag kang aalis sa tabi ko mamaya! For sure ang mga mata ng lalaki mamaya, nasa baby ko."

"Ang OA mo Clyde! Tara na!" Natatawang sita ni Clariss saka naunang lumabas ng pinto.

Inalalayan ako ni Clyde habang nag lalakad kaming dalawa. Pag kababa namin may dinaanan pa kaming hallway, pinag buksan kami ng pinto ng crew at sumalubong sa akin ang isang engrandeng venue. Napakaclassical ng datingan, dagdag mo pa ang nangingibabaw na musika galing sa violin.

Napupuno din ng mga fresh na mga bulaklak, at halatang mayayaman at may pangalan na tao ang mga nandito. Nilagay ni Clyde ang kamay niya sa bewang ko. Meron ding maliit na pool sa gitna, napapalibutan yun ng iba't ibang ilaw at bulaklak sa gilid na nag papaganda lalo ng dating.

Naagaw namin ni Clyde ang lahat ng tao na nakaupo sa table na nilapitan namin. Nakita ko ang parents niya, pati si Rhys kasama si Sheira at ang parents niya. And si Nathalie? Seryoso? Anong ginagawa ng babaeng to dito?

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon