LHIA POV
Malapit na kaming matapos sa pag liligpit ng mga gamit namin. Sinisimulan naring linisin ang mga kalat sa venue. Abala ako sa pag liligpit ng mga papers ng organization namin. Tinutulungan ko din Ang mga kabataan na makapunta sa kani kanilang sasakyan.
"Ate Lhia gusto ka daw pong makausap nung isa sa mga Youth leader ng Pampanga kasi mauuna na daw po sila gusto ka daw po niyang makausap saglit." Youth leader ng Pampanga? Ano namang kailangan nun sakin.
"Sige Chelle sabihin mo susunod ako hintayin nalang niya ako." Tumango Naman si Chelle saka tuluyan ng umalis.
Pag katapos kong iligpit lahat ng papers na nakalat. Nag ayos muna ako saglit ng sarili saka akmang pupuntahan na sana yung taga Pampanga kaso bigla akong hinila ni Rhys. Yeah si Rhys ang humila sakin.
"Teka nga! Bitaw nga! Problema mo ba?" Sigaw ko sa kanya pag katapos kong makawala sa pang hihila niya.
"Problema ko? You broke up with me last night and then ano lalandi kana agad?" Nagulat ako sa biglang pag sigaw ni Rhys.
"Ulitin mo nga Yung sinabi mo!!"
"Lalandi kan-----" hindi Kona siya pinatapos sa sasabihin niya dahil nasampal ko na siya.
"Ang kapal Naman ng muka mong sabihing nalandi ako agad! Kakausapin Lang ako nung tao makikipag usap Lang ako landi naba agad Yun ha Rhys! Ganun naba kababaw yang pag iisip mo!" Hindi Kona napigilang maluha dahil sa sinabi niya. This is the first time na may nag sabi saking malandi ako and ang worst pa, ex boyfriend ko pa!
"Bakit kailangan mong kausapin yun! Hindi ba kalandian yun ah! Kakahiwalay Lang natin! Kaya ka nakipaghiwalay para makalandi kana ha! Ganun ba Yun!" Nasapo ko yung noo ko sa pag titimpi ko ng galit.
"Hindi ganun Yun! Rhys! Wag mong ibalik sakin yung pag kakamali mo! Rhys ilang araw kitang kinokontak hindi mo sinasagot! Pinapatayan mo pa nga ako ng cellphone mo diba! Pang ilang beses na ba Yun Rhys? Mga ilang beses pa kita pag bibigyan ?" Ibang klase talaga mag isip ang taong to.
"Hindi mo ba naiintindihang busy ako! Marami akong ginagawa! Marami akong inasikaso sa area na ginagawa nila papa! Hindi moba naiisip yun!" Napangiti nalang ako ng mapait sa sinabi niya.
"Sinong ginagago mo dito Rhys? Dalawang araw kang hindi pumupunta sa site nila Tito! Hindi ka din umattend ng mga meeting sa YFC! Ni wala ka din sa inyo! Sige nga ! Nasaan ka ng mga araw na Wala ka dito!" Bigla siyang natigilan sa sinabi ko at nag iwas ng tingin.
"Wala ka ng paki dun! Hiwalay naman na tayo! Nakipag hiwalay kana! Panindigan mo yang desisyon mo!" Sigaw nanaman niya sa akin.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Teen FictionLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...