Chapter Thirty Two

57 2 0
                                    

LHIA POV

Maaga akong gumising at hindi maalis sa labi ko ang mga ngiti simula pa kagabi. Myghaaad hindi ko naman first time mahalikan pero pakiramdam ko ngayon lang ako nahalikan na maski pag tulog ko kagabi diko maalis sa isip ko yung pakiramdam ng labi ni Clyde.

"Hoy kagabi kapa parang tanga na nakangiti."

"Ang aga aga ang sungit mo!" Inirapan ko si Ingrid. Nakapalumbaba siya sa lamesa habang nakasimangot.

"Nakakairita kasi yang ngiti mo!"

"Tsk! Mag text ka sakin kung papasok kana ahh! Mauuna na ako anjan na si Clyde sa labas!"

"Ang harot mo!" Umirap lang ako saka nag mamadaling lumabas.

Nakangiti kong nilapitan si Clyde. Napansin kong yung motor ang dala niya ngayon kaya nag ningning ang mga mata ko. Mas gusto kong nakamotor kesa naka kotse.

"Good morning, Tasya."

"Good morning din." Marahan niya akong niyakap saka ginawaran ng halik sa noo.

Siya ang nag suot ng helmet sa akin. Muli niya akong hinalikan pero sa ilong naman. Ghaaad Clyde sa lips naman jokeee!

"Clyde pwedeng ako mag drive?" Pakiusap ko saka nag pacute sa harap niya.

"Makakatanggi paba ako?"

Mahigpit ang yakap ni Clyde sa akin at ramdam ko ang padampi dampi niyang halik sa balikat ko.

Nang makarating kami sa school ramdam ko din ang matatalas na titig ng mga schoolmates namin. Tsk! Malamang kalat na kalat na sa buong school ang nangyari.

Mag kahawak kami ni Clyde ng kamay habang nag lalakad. Agad kaming nilapitan ng mga kaibigan namin. Sinipat ko kung kasama nila si Jared pero wala.

"Kamusta pala si Jared?" Agarang tanong ko.

"Wala pa kaming balita sa kanya simula ng umalis siya kahapon." Malungkot na sagot ni Marvin.

"Hays sana maging okay na ang lahat."

"Si Anica nag text na masama padin ang pakiramdam kaya hindi din makakapunta." Malungkot na sabi ni Allison.

"Hays hindi tayo makakakumpleto mamaya."

"Napakatiming naman kasi talaga, halatang pinag planuhan e."

Sama sama kaming nag sipunta sa main gym ng school para doon iganap ang pag paparangal. Kita ko ang pag kadismaya sa muka nila coach Alexa at coach Randy.

Tahimik lang din ang buong team. Napansin ko naman si Captain Sam na tahimik at nakatulala na nakaupo. Nakapag usap na kaya sila? Ano kayang plano ni Jared?

Tinawag na ang kanya kanyang manlalaro na may parangal. Nakakalungkot na kung dati ang team ng volleyball at basketball daw ang palaging nandoon sa stage pero ngayon kahit ni isang parangal wala silang nakuha.

Hinawakan ko yung kamay ni Clyde. Ramdam ko kasi na kahit hindi niya sabihin nalulungkot siya sa nangyari. Nginitian ko siya kaya sumilay na din yung ngiti sa labi niya.

Nag iwas ako ng tingin ng maalala ko yung halik niya. Haaay naakuuuu Lhilianeth!

"Okay lang yan team babawi tayo next year! Paalala ko ahh sa susunod na kakabet kayo wag sa may boyfriend sa kalabang team!" Natatawang sabi ni Coach kaya medyo umaliwalas ang muka ng mga players.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon