LHIA POV
Mabilis na lumipas ang mga araw. At sa wakas tapos nadin ang final exam namin. Nag decide kami nila Ingrid, Anica at Allison na mall after ng last class namin. Pahinga din muna kami sa practice dahil nga sa sobrang busy ng lahat for the final term.
"Sobra akong nastress! Muntik pa ako mag rush noong hindi ko mahanap ang plates ko! Buti nalang talaga at nakita ko din before mag pasahan!" Nakangusong reklamo ni Allison.
"Namamaga na din ang braso ko, medyo bobo yung partner ko na kumuha ng blood sa akin." Reklamo naman ni Ingrid habang nakahawak sa braso niya.
Sinipat ko naman si Anica na mukang stress nadin sa buhay niya. "Sa accounting exam lang naman ako nahirapan. I hope na naipasa ko yun."
"Well sa finance checking lang ako nahirapan ng slight." Sagot ko sa kanila. "Lets have some coffee nalang girls." Yaya ko saka naunang pumasok sa cafe sa loob ng mall.
I ordered caramel macchiato for me and cappuccino for Ingrid. Parehas namang latte ang inorder nung dalawa. Ingrid also ordered strawberry cake tapos blueberry cake kay Anica. Nakuntento naman kami ni Allison sa coffee namin.
"Mag shopping tayo girls. Diba tapos na finals, grade nalang inaantay naten letsss gooo Ilocos na tayo." Nanggigil na sabi ni Anica.
"Yeah want ko din mag shopping, para malibang ako nastress talaga ako sa braso ko." Gusto kong matawa sa itsura ni Ingrid, siguro kung pwede niya lang saktan ang partner niya kanina ginawa na niya.
After namin kumain at mag pahinga sa cafe dumeretcho na agad kami sa shopping area, masyadong madaming alam sa mga fashion si Anica kaya halos siya ang namili ng mga damit na bibilhin namin.
Si Ingrid naman ang namili ng mga body protection, sun block, lotion at kung ano ano pa. Wala naman kaming ibang ginawa ni Alli kundi sumunod sa kanila.
After namin makuha ang result ng finals namin, wala naman kaming naging problema lahat, nag ka konting sablay pala sa accounting subject ni Anica pero dahil mataas naman ang prelim at midterm niya, nahatak na nun ang final grade niya.
Bukas na ang flight namin papuntang Ilocos. Abala kami parehas ni Ingrid sa pag iimpake ng mga gamit namin.
"Hey! Yung medicine at vitamins mo ba nailagay mo na?" Tanong ko.
"Yeah nandito na lahat."
"Good. Madami pa ba yan? Kasya yan for one week na pag stay naten dun?"
"Oo kasya pa."
"Okay baka kasi mahirapan tayong mag hanap dun, private daw ang island nayun sabi ni Jared."
Maaga kaming nag asikaso kinabukasan, at saktong pag tawag nila ayos na ang lahat kaya nag mamadali kaming lumabas ng condo unit ko. Sinalubong ako ng yakap at halik ni Clyde, ganun din si Khane kay Ingrid, sila na din ang nag ayos ng bagahe namen.
Iisang van lang ginamit naming mag kakaibigan. Mga ilang oras pa ay nakarating na kami sa airport at natutuwa ako ng makita si Clariss, Ralph, Lynard at Jax.
"Omg! Kasama din kayo!" Nakangiting bati ko.
"Tsk! Bakit kasama pa si Jax, bakit Jared?" Nakangusong tanong ni Khane.
"Kasi kaibigan din natin siya." Inosenteng sagot ni Jared kaya natawa kaming lahat.
"Mas madami mas masaya!" Masayang sambit ko saka nakipag kamustahan kala Ralph.
"Tsk!" Narinig ko ang inis na bulong ni Clyde. Seloso!
"Baby, I love you." Malambing kong bulong sa kanya. Marahan naman niya akong hinapit sa bewan saka hinalikan sa labi.
BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Fiksi RemajaLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...
