LHIA POV
Simula ng lumipat ako dito sa makati ngayon palang ako lalabas ng condo. Start na ng pasukan bukas at ngayon ang kuhaan ng mga schedule ko for this sem. Nakatanggap din ako ng message kagabi galing kay coach Alexa na pasok ako sa team ng volleyball, worth it din lahat ng hirap ko nung summer kaka try out.
Sumakay ako ng jeep papuntang University actually pwede nga siyang lakarin pero wala ako sa mood mag lakad ngayong araw. After kong makuha yung schedule ko dumeretcho na ako sa gym ng volleyball. Agad kong nginitian si coach ng makita niya ako.
"Oh nandito na pala ang bubuo sa team natin." Agad akong nilingon ng buong team at ngumiti sakin. "So dahil kumpleto na ang mga bago mag pakilala na kayo isa isa."
"I'm Anica Delos Santos, former captain ng volleyball ng senior high sa university na to." Nakangiting pag papakilala niya. Kaya siguro hindi ko siya nakikita nung try out kasi malamang di niya na kailangang mag try out captain naman siya ng senior high.
"Allison Mae Monsanes, galing din ako sa team ng volleyball sa senior high." Tipid niyang pag papakilala.
"Olivia Kate Elizar from zambales. " Siya yung palagi kong nakakasabay nung try out pero never ko siyang nakausap kahit makangitian man lang.
"Hi! I'm Lhilianeth Montreal, from batangas. Masaya ako na kabilang na ako sa grupo niyo." Masiglang pag papakilala ko saka sila nginitian.
"Ohh sa tingin ko naman makikilala niyo din ang isat isa sa mga susunod na araw. Hmm Captain mag pakilala ka muna sa mga bago."
"Opo Coach." Agad akong napatingin sa nag salita. Ang ganda niya at kakakitaan ng authoridad ang kanyang kilos. Ang tagal kong napatitig sa kanya lalo na sa pilik mata niya mahahaba kasi at makakapal pansin na pansin yun agad.
"Samantha Mariz Fontello your captain, Welcome to our team." Pag katapos niyang mag pakilala may sinabi pa samin si Coach bago kami tuluyang pauwiin.
"Hi? Matagal kana ba dito o ngayon ka palang lumipat?" Nagulat ako sa biglang tanong ni Anica.
"Nung summer papunta punta ako dito lalo na kapag may try out saka kapag may kailangang ayusin na requirements."
"Oh I see. Bakit pala dito mong napili mag aral marami namang school sa batangas?" This time si Allison naman ang nagtanong.
"Hmm bumagsak kasi ako dun sa school na gusto ni Daddy isang sikat na university sa batangas tapos nag take ako ulit ng exam sa kalabang university naman nun kaya lang bagsak din haha kaya yun naisipan kong sa manila nalang mag aral saka para maiba naman." Paliwanag ko.
"Kaya naman pala pero ramdam kong matalino ka siguro may dahilan yang pag bagsak mo." Tango tangong sabi ni Anica. "Nga pala may boyfriend kaba?" Napatigil ako sa tanong nila kasi muli ko nanamang naalala si Rhys.
"Hmm kakahiwalay lang."
"Hala sorry eto kasing si Anica ang daming tinatanong kala mo naman close kayo ni ano nga ulit pangalan mo?" Natawa naman ako kasi kinakausap nila ako eh di naman pala nila natandaan pangalan ko.
"Lhilianeth, Lhia for short. " Nakangiting pag papakilala ko.
"Ang cutie naman ng name mo Lhilianeth pang sosyal hahaha." Pag bibigay puri sa pangalan ko ni Allison.

BINABASA MO ANG
Forbidden Status
Novela JuvenilLhilianeth Anastacia is a lovely girl from Batangas who once fell in love with a man who made her life more miserable. She decided to start her new life in Makati City, away from those who hurt her. But it looks like fate wanted to play out her life...