Chapter Thirty Seven

50 2 0
                                    

CLARISS POV

Simpleng floral dress ang sinuot ko na below the knee para sa pag salubong ng bagong taon. Tiningnan ko ang sarili ko mula ulo hanggang paa. Bakit ang ganda ko?

Sandali kong pinangigilan ang sarili ko bago lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Clyde na kunot noo na nag aantay.

"Kanina kapa jan Cly?"

"Oo Cla! Napabagal mo!"

"Sungit mo naman! Tara na at makipagplastikan nanaman sa mga kamag anak natin." Marahan akong tumawa saka inangkla ang kamay ko sa braso ni Clyde. 

Naagaw ng presensya namin ang atensyon ng mga kamag anak namin. Automatic na umikot ang mata ko ng makita na nandoon si Sheirra, paepal talaga amp!

"Oh ayan na pala ang magaling kong anak." Sarkastikong sabi ng mommy ni Clyde, nagtatanong akong tumingin kay Clyde.

"May ginagawa ka ba?" Bulong ko.

"Don't know."

"Totoo ba Clyde?" Galit na tanong ni Tita.

"I don't know what are you talking about." Seryosong sagot ni Clyde.

"Galing ka sa batangas noong pasko! Galing ka bahay ng babaeng yun!" Owww! Malamang si Rhys ang nag sumbong.

"Ano naman masama kung galing ako doon."

"Tigilan mo ang kabaliwan mo sa babaeng yun Clyde! Mag karoon ka naman ng kahihiyan!"

"Wala kaming ginagawang masama para mahiya kami." Pabalang na sagot ni Clyde.

"Layuan mo ang babaeng yun Clyde! Kung hi----"

"If not what? Anong gagawin mo? Itatakwil mo ako? Go ahead mom! Hindi ko lalayuan ang babaeng mahal ko dahil lang sa inuutos mo!"

"Clyde!" Sigaw ni Tita noong mag walk out si Clyde.

"Clariss saan ka pupunta?" Sita ni Mommy noong hahabulin ko si Clyde.

"I'm sorry mom, pero kailangan kong sundan si Clyde." Agad akong tumakbo papunta kay Clyde at hindi na pinakinggan si Mommy.

"Come with me... Yeah sa batangas na tayo mag new year... Hindi kana bata papayag yan!.. Basta sasamahan mo ako!... Susunduin kita!"

"Clyde sama ako." Natawa ako ng makita ang gulat sa muka ni Clyde.

"Hindi ka pwedeng sumama!"

"Isama mo na ako! Ayokong mag bagong taon dito! As if naman close ko mga nandito!" Nag puppy eyes pa ako para lang pumayag si Clyde.

Pumunta muna kami sa bahay nila at kinuha yung aso. Agad ko yung pinanggigilan.

"Waaaah bagong alaga mo?"

"Yeah, Lhia gave it."

"Owww napakacuteee mo naman." Kinarga ko ang cute na puppy ni Clyde. Muli kaming bumiyahe at nakarating kami sa isang condo unit.

Pag dating namin sa 20th floor agad nag door bell si Clyde sa isa sa mga pinto.

"Ohh Clyde! Anong ginagawa mo dito?"

"Tara wala ka namang kasama diba?"

"Wala nga alam mo namang nasa ibang bansa ang family ko." Sagot nung lalaki.

Forbidden StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon